Sa wakas, habang papalalim ang gabi at dumarami ang mga tao, nagsimula nang umalingawngaw ang tunay na ganda ng maliit na pub. Sa gitna ng maliit na espasyo, nagsimulang tumugtog ang banda. Habang humahataw ang accordion kasabay ang gitara at cello, sinimulan nilang patugtugin ang masisiglang tugtugin ng tradisyonal na Irish dance.Noon ay pinapanood lang ito ni Kate, pero habang tumatagal ay gumaganda ang vibe at nahawa na rin siya sa sigla ng buong paligid. At nang magsimula na ang nakakahawang old-style step dancing, hindi na napigilan ni Kate ang sarili; hinila niya si Dione para sumali sa gitna. Kahit hindi pa niya masyadong kabisado ang mga hakbang, basta't sumabay lang siya sa agos.Habang tumataas ang energy ng lahat, nag-aalab ang buong pub.Ang mga tao, magkakilala man o hindi ay nagtatawanan, sumisigaw, at nagtutulakan papunta sa dance floor. Nagsasayaw sila nang magkahawak-kamay, sabay-sabay na tumatalbog ang mga paa, sabay sa ligayang walang halong kaplastikan.Sa gitna ng
Leer más