NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa sarili, isang top student na seryoso kapag nag-aaral. Kahit sa sports field, kapag may mga babaeng humahanga sa kanya at nag-aabot ng tubig, ni hindi niya pinapansin. Parang walang sinuman ang pwedeng makalapit.Nang maging asawa niya si Vincent, lalo pa itong naging pormal, magalang, kontrolado, emotionally stable to the point na halos wala nang emosyon. Hindi kailanman tumatawa. Hindi rin kailanman nagagalit. Palaging malamig. Minsan, kapag hindi sinasadyang nahahawakan ni Kate ang mga daliri nito, pakiramdam niya ay pati temperatura ng katawan ni Vincent ay malamig na parang hindi lang balat ang nagyeyelo, pati puso. Nasasanay na nga siya sa pagiging malamig nito sa kanya.Sa video, duma
Read more