LOGINKung ibang babae ang nagturo sa mga pagkain sabing si Vincent ang nagluto, baka isipin ni Kate na nagyayabang lang ito. Pero kay Anna? Walang halong pampapapel o kayabangan,.ramdam mong totoo."Magaling mag-luto si Vincent," sabi ni Anna. "Lalo na ang mga cake."Ngumiti si Kate. "Alam ko namang magaling siyang mag-bake. Kaya nga siguro niya itinayo ang biscuit shop para sa'yo, 'di ba?" Ani niya pa. Medyo magaling na ito sa tagalog kaya hindi na siya nahihirapan kaka-english..Panunumpa ni Kate, walang halong panibugho o pait ang mga salitang binitawan niya. Sadyang na-realize lang niya kung gaano kabilis magbago ang lahat.Pero agad umiling si Anna. "Para sa akin? No, hindi ko gustong ganun.""Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni Kate.Nakatawang umiling si Anna. "Nainis pa nga ako sa kanya noon dahil sa pagiging isip-bata niya."Biglang naalaala ni Kate noong minsang ikinuwento sa kanya ni Vincent kung bakit cookie-house ang naging disenyo ng shop…At tagalog pa ang pangalan ng shop nito…
Alam ni Kate na bawal banggitin ang pangalang 'yun kay Mattheus dahil siguradong bad trip agad ang kuya niya. Pero hindi na nag komento si Mattheus tungkol doon; nagpatuloy lang ito sa pagkain at sinabing, "Sige na, kumain na tayo. Pinaghandaan talaga ng lola at ni Mama ang mga paborito mong ulam."Kahit kailan talaga, para bang si Kate ang tunay na anak at si Mattheus ang ampon sa pamilyang ito.Masayang nag-dinner ang buong pamilya. Pagkatapos ng mga foreign food sa Ireland, ang sarap sa pakiramdam na kumain ulit ng lutong-bahay na luto nina Lola at Tita Cathy.Pagkatapos kumain at makipag kwentuhan, pumasok na si Kate sa kwarto niya para magpahinga.Amoy gardenia pa rin ang kwarto. Naupo siya sa malambot na carpet malapit sa salamin habang umiinom ng fruit tea. Habang pinapanood ang pagbagsak ng niyebe sa labas, kinuha niya ang cellphone para hanapin ang contact info ni Anna na ibinigay ni Vincent noon.Nag-send siya ng friend request. Kahit papaano, gusto niyang magpasalamat nang p
Dahil sa biyahe sa Ireland, lumagpas siya sa mismong Araw ng Pasko sa London, pero may mga natitira pang bakasyon para i-celebrate ang Bagong Taon kasama ang pamilya. Kaya naman nag-empake muna siya ng ilang gamit para dumiretso sa bahay ng Tita Cathy. Bago umalis, kinuha niya ang tatlong regalong inihanda para sa pamilya at ibinigay kay Allan… "Happy New Year! Pakibigay na lang sa kanila, tatlong piraso 'yan.""Ms. Kate..." medyo nahihiyang tanggi ni Norman."Ayos lang 'yan, salamat sa pag-alaga sa akin," nakangiting sagot ni Kate habang inilalagay ang mga regalo sa passenger seat."Salamat po, Miss Kate."Paghatid ni Allan sa kanya sa bahay ng Tita Cathy, agad siyang sinalubong ng lola na may kasamang sermon ng pag-aalala…"Aba, parang pumayat ka ah!"May kilala ba talagang matanda na magsasabing tumaba ang apo nila?Napangiti na lang si Kate sabay yakap sa lola. "Lola naman, puro kaya taba at karne ang kinain ko roon, nadagdagan nga po ng limang kilo ang timbang ko!"Lumabas din si T
"Sige na, aalis na ako. Enjoy kayo rito, guys!" nakangiting paalam pa rin ni Vincent.Naiinis na bulong ni Dione kay Kate, "Director Kate, parang ang saya-saya niya ah."Lumingon si Kate. Sa gitna ng makukulay na ilaw ng festival market, lumingon ito at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. Napansin niyang madalas na itong ngumiti ngayon.Noong high school, nagustuhan niya ito dahil sa malamig at seryosong aura nito. Pero kapag minsan na ngumingiti ito, para itong sikat ng araw sa gitna ng taglamig—malamig pa rin pero nakakasilaw. Kaya lang, sa loob ng limang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, halos hindi man lang ito ngumiti sa kanya. Siguro nga, hindi lang talaga siya ang babaeng may kakayahang patawanin ito.Pero ayos na rin 'yun. Ngayong magkaiba na ang landas nila, kung nakahanap man ito ng taong magpapasaya rito nang ganito, e di... swerte niya! Sadyang mapagbiro lang talaga ang tadhana sa mga ex na mukhang gago.May pa-dog show pa itong napansin, nakita nitong may nagtitin
Pagkatapos mag-perform sa bahay na 'yun, nagpatuloy na sa susunod na bahay sina Kate, Dione, at ang mga bata habang panay pa rin ang video ni Vincent.Nagtataka namang nagtanong si Dione habang naglalakad sila: "Director Kate, bakit parang mas close kayo nUng Bread Man kaysa sa iniisip ko?"Bread Man..."Ex-husband ko siya," prangkang sagot ni Kate."Ha?!" napatigil si Dione sa gulat at namroblema nang huta. "Wait, ibig sabihin, nakipag-usap at nakipag-kwentuhan ako sa ex-husband mo noon? Anong dapat kong maramdaman ngayon? Dapat ko ba siyang tarayan o inisin?"Natawa si Kate sa reaksyon nito. "Huwag mong pansinin, matagal na kaming hiwalay. Wala na 'yun sa akin.""Hindi pwede, kailangan ko siyang sungitan para maipaghiganti kita!" matapang na sabi ni Dione.Umiling na lang si Kate nang may ngiti. "Hayaan mo na, sumayaw na lang tayo!"Muling umalingawngaw ang musika at masayang nagpatuloy ang grupo sa pag-ikot sa komunidad. Sa gitna ng pagod at saya, sino pang maaalala ang nakaraan? La
Isang buwan ang inilaan ni Kate para sa research trip kasama ang kanyang mentor. At sa huling linggo, nagpasya silang mamalagi muna ng dalawang araw sa Dublin. Ayon sa mentor niya, may gaganapin ditong isang tradisyonal na festival kung saan mararanasan nila ang kakaibang kultura at selebrasyon ng mga lokal.Dito rin sila tumuloy sa kaparehong homestay na pagmamay-ari ng lumang kaibigan ng kanyang mentor, ang unang bahay din na tinuluyan nila nang dumating sila sa Ireland. Ayon sa may-ari, sa araw ng festival, ang mga bata ay mag-aayos at magdadamit para magbahay-bahay at mag-perform ng sayaw sa bawat pamilya.Nang marinig 'yun ni Kate, natuwa siya.Nakangiting sabi ng mentor niya, "Sali kayo ni Dione.""Hala, hindi na kami mga bata para dyan," nahihiyang tanggi ni Kate.Pero sabay na tumawa ang may-ari at ang mentor. "Para sa amin, mga bata pa rin kayo."Nagtawanan na lang sina Kate at Dione."Ang mga perang makukuha sa pagsasayaw ay ibibigay sa charity," dagdag pa ng matanda.Aba, si
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit







