"Delivered na po, Sir," sabi pa ni Jane na isang resort staff ng isla. Kasalukuyan siyang nagkakape sa Lor Amor hall ng lumapit sa kanya si Jane, isang staff ng resort na pinakiusapan niyang ihatid ang inorder niyang pagkain para kay Ea. "Wow, good job Jane! maraming salamat sa iyo dahil diyan may tip ako sa iyo," sabi pa niya na iniabot ang isang sobre na may laman ng pera. "Naku,Sir, hindi pa naman tapos ang pinagagawa mo sa akin, at tiyaka may binigay na kayo kanina sa akin, sobra sobra na ito, hindi ko yata matatanggap iyan Sir Rowan, pasensiya na," rinig niyang tanggi ni Jane na hindi kinuha ang inabot niyang sobre. "Sige na Jane, tanggapin mo na, sabihin na lang natin that's not for you, that's for your child, Nicole," suhesyon niya na ikinangiti ng babaeng resort staff. "Sige sir, hayaan ninyo, mas lalong pagagandahin namin ang set-up ng dinner date ninyo mamaya ni Miss Ea, tiyak na magugustuhan niya talaga, sir!" masayang sabi ni Jane at pagkatapos ay bumalik na sa k
Last Updated : 2026-05-20 Read more