Todo-porma naman ang tatlong dalaga dahil free sila na magsuot ng kahit ano sa party. Ang theme na naisip ni Trisha ay Victoria’s Secret Angels kaya naka-black sports bra sila na pinatungan ng manipis na black silk robe, dahilan para magmukha silang sobrang sexy at classy.Nang bumaba ang tatlo, napanganga si Jared na noon ay nag-aasikaso sa baba.“Grabe, girls! Balak niyo bang akitin ang mga kaibigan ko? Sa suot niyo na ‘yan, baka kayong tatlong anghel na lang ang titigan ng lahat sa party.”“Bakit, uubra ba ang ganda namin para maakit ka, Kuya Jared?” biro ni Trisha sabay haplos nang bahagya sa braso ni Jared habang nakikipagpalitan ng makahulugang tingin sa mga kaibigan.“Huwag niyo naman akong biruin nang ganyan,” sagot ni Jared. Karaniwan ay pormal siya at hindi sanay makipag-flirt, kaya naman nung makaharap niya ang mapang-akit na si Trisha, medyo na-awkward siya.“Nagbibiro lang naman si Trisha, Kuya. Pero seryoso, kailan ka ba magkakaroon ng girlfriend para magka-ate na ako?” a
Read more