Pagkatapos ng simpleng pananghalian sa isang mamahaling Japanese restaurant sa gitna ng siyudad, dinala ni Third si Gwendolyn para mamili ng mga designer clothes sa isang high-end department store. Personal na pinili nito ang bawat gamit, mula sa mga damit, palda, pantalon, damit, sapatos, bag, at pati na rin ang mga panloob."Bakit kailangan mo pang bumili ng ganito karami?" bulong niya habang inilalagay ng staff ang huling damit sa isang branded na bag."Hindi ba't itinapon ko na ang mga lumang damit mo?" kalmadong sagot nito habang iniabot ang itim na credit card sa kahera.Pagkatapos noon, mabilis na lumayo ang luxury car mula sa department store patungo sa matayog na gusali sa gitna ng siyudad, ang pangunahing opisina ng buong negosyo nito.Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng gusali, agad na yumuko ang security guard. Ang binata mismo ang nagbukas ng pinto para makababa siya.Alanganing naglakad si Gwendolyn sa tabi nito papasok sa mamahaling lobby, habang namumula ang mukha dah
Read more