“May mga ganito na po ako, Kuya. Kaka-buy lang din nina Mommy at Daddy ng bag sa akin kaya wala na akong mahiling,” tanggi ni Rain. Galante kasi talaga ang mga magulang niya, at isa pa, ayaw niyang masyadong umasa kay Jared. Nahihiya na nga siya dahil nakikitira na siya rito, ayaw niyang isipin ng iba na wala siyang sariling gamit.“Eh ako naman ang bibili ngayon, hindi naman mga magulang mo,” pilit ni Jared habang naghihintay na pumili ang dalaga, pero wala talagang kinukuha si Rain.“Rain, tignan mo itong bag na ‘to, ang cute! Bagay na bagay sa look mo na medyo edgy at pormada,” singit ni Stella nung mapansin na gustong-gusto talagang gumasta ng kuya niya para sa kaibigan niya.“Huwag na, ang mahal kaya niyan.”“Hindi iyan mahal, seryoso! Ang ganda kaya,” pangungumbinsi pa ni Stella.“Kukunin ko na po ito,” hindi na nag-isip pa si Jared at agad na ibinigay ang card sa sales clerk. Wala siyang pakialam kung pumayag si Rain o hindi, basta binili na niya.“Teh naman eh...” inis na sabi
Read more