Chapter 87Mula sa hita, lumipat ang mga kamay nito sa kaniyang mga braso, pagkatapos ay sa tiyan, at huli sa kaniyang likod hanggang sa malagyan ng ointment ang lahat ng pasa.Nang matapos ito, maingat niya itong binalot muli ng kumot at sinalubong ang malamig na tingin ng asawa."Shuvee, paano ba tayo humantong sa ganito?"Inayos pa ni Azrael ang dulo ng kumot sa paligid niya habang may mapait na ngiti sa mga labi."Shuvee, mag-usap naman tayo nang mahinahon."Bumuntong-hininga ito nang malalim nang hindi siya makakuha ng sagot."Azrael, hindi ko alam kung ano pa ang dapat nating pag-usapan," malamig na saad ni Shuvee. "Malinaw ko nang nasabi sa iyo ang lahat ng kailangan kong sabihin."Ipinasok ni Azrael ang kaniyang kamay sa ilalim ng kumot, hinanap ang kamay ni Shuvee, at mahigpit itong hinawakan."Shuvee, hindi ko ginustong maging ganito tayo. Sa simula pa lang hanggang ngayon, tapat kong ninais na magkaroon ng magandang buhay kasama ka.""Talaga ba?" Isang nang-uuyam na tawa an
Last Updated : 2026-05-20 Read more