LOGINIsang gabi, nahuli ni Shuvee ang asawang si Azrael sa banyo habang binabanggit ang pangalan ng ibang babae. Sa loob ng five years of marriage, ngayon lang luminaw ang lahat na hindi siya ang mahal nito. "Shuvee, Scarlett is pitiful coming back alone. I'm just helping her as a friend," paliwanag ni Azrael habang nag-eempake para sa kabilang kwarto. "I understand," tipid na sagot ni Shuvee. Maging ang birthday ni Scarlett sa isang private island ay pinuntahan nito. "I promised her, Shuvee. I'm just fulfilling a promise," giit ni Azrael. "Okay," sagot niya muli. Kahit nang sabihin nitong mas "suitable" si Scarlett bilang assistant sa isang banquet kaysa sa kanya, tumango lang siya. "Okay, go ahead." Nang tuluyan nang tumigil si Shuvee sa pag-iyak at paggawa ng eksena, naguluhan si Azrael. "Shuvee, why aren't you angry anymore?" tanong nito. Hindi na siya galit dahil tapos na siya. Secretly, she studied English, passed the IELTS, and secured her student visa. Noong araw na lumabas ang approval, nilapag niya ang divorce papers. "Don't be ridiculous. How will you survive without me?" Azrael sneered. She didn't answer. She flew to Europe and vanished. Months later, a video went viral where Shuvee, in a stunning red dress, dancing freely under a foreign sky. Nanggigil si Azrael habang pinapanood ang ex-wife. "Shuvee, I will bring you back even if I have to go to the ends of the earth!"
View MoreChapter 1: Fifth Anniversary
Alas-tres na ng madaling araw. Kakauwi lang ni Azrael at narinig ni Shuvee ang tunog ng running water mula sa banyo. He was taking a bath.
Nakatayo si Shuvee sa tapat ng pinto ng banyo, balisa at gustong kausapin ang asawa Kinakabahan siya, iniisip kung papayag ba ito sa sasabihin niya. Pero habang nag-iisip siya ng tamang sasabihin, nakarinig siya ng mga kakaibang ingay mula sa loob.
Nakinig siyang mabuti at doon niya naunawaan ang sitwasyon… he’s moaning while doing himself a favor.
Nanatili siyang nakatayo sa labas ng pinto, ang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa hawakan ng pinto hanggang sa mamuti ang kanyang mga kasukasuan. Bawat tunog na nanggagaling sa loob ay tila lason na unti-unting pumapatay sa kaniyang pagkatao. Ang sakit ay kumalat na parang dambuhalang alon, na nag-iwan sa kaniya sa gitna ng matinding paghihirap at kawalan ng hininga.
Mas pipiliin pa niyang magsarili kaysa hawakan ako? isip-isip ni Shuvee habang nanginginig ang mga kamay.
Habang pabilis nang pabilis ang paghinga nito, biglang sumabog ang matinding pigil na emosyon ni Azrael.
Nagpakawala ito ng isang mahinang sigaw, "Scarlett..."
Ang pangalang iyon ang nagsilbing huling nakamamatay na dagok kay Shuvee. Nanigas siya sa kinatatayuan. Isang biglang gulat ang dumaan sa kanyang isipan, na para bang may kung anong bumasag sa buong pagkatao niya.
"M-mm..." Sinubukan niyang takpan ang kanyang bibig para pigilan ang sarili sa malakas na pag-iyak.
Agad siyang tumalikod para tumakbo, pero dahil sa taranta at sa kaniyang kapansanan, natisod siya sa unang hakbang pa lang. Nabunggo siya sa sink at malakas na bumagsak sa sahig.
"Shuvee?" tawag ni Azrael mula sa loob. Hindi pa kalmado ang boses nito. Mahahalata mong sinusubukan niyang kontrolin ang sarili, pero malalim at mabigat pa rin ang kaniyang paghinga.
"K-kailangan ko lang gumamit ng banyo. Hindi ko alam na nagsha-shower ka pala," nauutal na sagot ni Shuvee. Sinubukan niyang kumapit sa sink para tumayo kahit pasuray-suray.
Habang lalo siyang natataranta, lalo siyang nagmumukhang kaawa-awa. May mga tilamsik ng tubig sa sahig at sa sink kaya lalo siyang nahihirapan. Sa wakas ay nagawa niyang tumayo nang biglang lumabas si Azrael. Ang puting bathrobe nito ay mabilis lang na isinuot at hindi maayos ang pagkakalagay, pero mahigpit ang pagkakatali ng sinturon sa bewang niya.
"Did you fall? Tutulungan kita," sabi ni Azrael na may pag-aalala habang kumikilos para buhatin siya.
Naiyak na si Shuvee sa sakit ng paa at ng puso niya, pero mabilis niyang itinulak ang kamay ng asawa. Mukha siyang gulo-gulo pero determinado. "Hindi na kailangan, kaya ko na ang sarili ko."
Halos madulas siyang muli, pero pilit siyang naglakad nang papilay-pilay hanggang sa makabalik sa kwarto. Isa itong "pagtakas" at iyon ang pinakatamang salita para sa ginagawa niya.
Sa loob ng limang taon na kasal siya kay Azrael, palagi siyang tumatakas. Tumakas siya mula sa mapanghusgang mata ng mundo, at maging sa awa at simpatya ni Azrael. Sa huli, ang asawa ni Azrael ay isa lamang palang pilay.
How could a cripple be worthy of the brilliant and successful Azrael? tanong niya sa sarili. But the irony was, she originally had a pair of beautiful legs.
Sumunod si Azrael sa kwarto.
"Nasaktan ka ba? Patingin nga,” malambing ang boses at puno ng pag-aalala.
"Hindi, wala lang ito," matigas na sagot ni Shuvee. Ibinalot niya nang mahigpit ang kaniyang sarili sa kumot. Hiding her broken state under the sheets.
"Ayos ka lang ba talaga?" Bakas ang tunay na pag-aalala sa mukha ni Azrael habang nakatingin sa kaniya.
"O-oo." Mabilis siyang tumango, habang ang kaniyang likod ay nakaharap dito.
"So, matutulog ka na? Akala ko ba gagamit ka ng banyo?" tanong ni Azrael.
"Ayaw ko nang isipin 'yun. Matulog na lang tayo, okay?" bulong niya, na may kasamang panginginig sa kaniyang boses.
"Sige," malambot na buntong-hininga ni Azrael. "Nga pala, anniversary natin ngayon. I will buy you a gift. Open it tomorrow and see if you like it."
"Sige," maikling sagot ni Shuvee.
Nasa bedside table lang ang regalo. Nakita na niya ito, at sa kaibuturan ng kaniyang puso, alam na niya kung ano ang nasa loob niyon kahit hindi pa niya ito binubuksan.
Taon-taon, ganoon pa rin ang natatanggap niya, at ang laman? Iisang klase ng relo. Binuksan niya ang kanyang drawer at bumungad sa kanya ang siyam na magkakaparehong relo na natanggap niya noong mga nakaraang kaarawan at ito na ang ikasampu.
"Happy anniversary," maikling bati ni Azrael bago tumalikod.
"Salamat," mahinang bulong niya, pero hindi na sumagot ang lalaki.
Doon na natapos ang usapan nila. Pinatay ni Azrael ang ilaw at nahiga na sa kama. Agad na humalimuyak sa hangin ang amoy ng shower gel na tila ba bago lang itong naligo. Halos hindi man lang naramdaman ng babae ang paglubog ng kutson dahil sa sobrang laki ng kanilang kama na may lapad na dalawang metro. Natutulog siya sa isang dulo, habang si Azrael naman ay nasa kabilang gilid. Sa sobrang layo ng distansya nila, kasya pa ang tatlo pang tao sa pagitan nila.
Walang nagbanggit sa pangalan ni Scarlett. Hindi rin nila pinag-usapan ang ginawa ni Azrael sa banyo kanina, na tila ba walang nangyaring kakaiba. Nanigas ang katawan niya habang nakahiga, at nararamdaman niya ang matinding hapdi sa kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha.
Si Scarlett ay kaklase ni Azrael noong college, ang kanyang first love. Noong grumaduate sila ay nag-abroad si Scarlett kaya naghiwalay ang dalawa. Sobrang nasaktan si Azrael noon at gabi-gabing naglalasing.
Magkaklase naman sila ni Azrael noong middle school pa lang. Inamin niya sa sarili na matagal na niya itong lihim na minamahal. Noong panahong iyon, si Azrael ang heartthrob ng school nila, isang cool at supladong genius habang siya naman ay isang art student lang. Kahit maganda siya, marami ring namang magaganda sa school nila. Noong high school, kung saan grades ang basehan ng lahat, hindi masyadong napapansin ang mga art students, at ang iba pa nga ay may matinding prejudice sa kanila.
Kaya naman, nanatili lang itong secret crush. Hindi niya kailanman naisip na darating ang araw na makakatayo siya sa harap nito. Nagtagpo silang muli noong summer vacation matapos siyang grumaduate sa dance academy, at doon niya nakita si Azrael na wasak na wasak ang buhay.
Isang gabi, lasing na lasing si Azrael at naglalakad nang pasuray-suray sa kalsada. Hindi man lang ito tumingin sa traffic lights nang tumawid, at may isang mabilis na sasakyan na papalapit sa kanya. Dahil sa pag-aalala, itinulak niya si Azrael palayo para iligtas ito, pero siya ang sa malas ay nahagip ng sasakyan.
Dance student siya noon at nakakuha na sana ng slot sa isang graduate program. Pero dahil sa aksidenteng iyon, naging pilay na siya. She can no longer dance.
Kalaunan, itinigil ni Azrael ang pag-inom at pinakasalan siya. Lagi itong nakakaramdam ng guilt sa kanya, lagi itong nagpapasalamat, at palaging malumanay magsalita. Binibigyan siya nito ng maraming regalo at pera, pero nananatiling malamig ang pakikitungo nito sa kanya.
Binigay ni Azrael ang lahat, maliban sa pagmamahal.
Akala niya, pagagalingin ng panahon ang lahat ng sugat. Akala niya, mabubura ng oras ang nakaraan. Pero hindi niya inaasahan na pagkalipas ng limang taon, nakatatak pa rin ang pangalang ni Scarlett sa puso ng asawa niya. Kahit noong sandaling magkasama sila at may ginagawa si Azrael para sa sarili nito, pangalan pa rin ni Scarlett ang binabanggit nito.
Sa huli, napagtanto niyang naging masyado lang siyang tanga at mapusok.
Hindi siya nakatulog sa buong magdamag. Paulit-ulit niyang binasa ang email sa kanyang cellphone habang hinihintay ang pagsikat ng araw.
Iyon ay isang graduate school offer mula sa isang foreign university. Ito rin sana ang balak niyang i-discuss kay Azrael ngayong gabi. Gusto niyang mag-aral para sa kanyang master's degree sa abroad, at itatanong niya sana kung okay lang ba ito sa lalaki. Pero ngayon, tila wala na ring silbi kung pag-uusapan pa nila iyon.
Nang bumangon si Azrael kinaumagahan, nagkunwari siyang natutulog pa rin. Narinig niya itong nakikipag-usap sa kanilang kasambahay na si Manang Beth sa labas ng pinto.
"May business dinner ako mamayang gabi," seryosong bilin ni Azrael. "Sabihin mo sa asawa ko na huwag na akong hintayin at matulog na siya nang maaga."
Matapos magbigay ng mga instruksyon, bumalik si Azrael sa loob ng kwarto at tiningnan siyang muli. Nakatago siya sa ilalim ng kumot habang ang kanyang unan ay basang-basa na ng luha. Tuwing papasok ito sa opisina, lagi niyang inihahanda nang maaga ang mga damit na isusuot nito at inilalagay sa gilid para isusuot na lang niya. Pero ngayong araw, hindi niya iyon ginawa.
Naglakad si Azrael patungo sa dressing room para magbihis bago tuluyang umalis papuntang kumpanya. Doon pa lang niya idinilat ang kanyang mga mata, at napansin niyang sobrang maga na ang mga ito. Sakto namang tumunog ang alarm sa kanyang cellphone. Oras na iyon na itinakda niya para sa kanyang sarili na kailangan na niyang bumangon para mag-aral at magbasa ng English.
Mula nang magpakasal sila, dahil na rin sa injury sa kanyang binti, ninety percent ng oras niya ay nakakulong lang siya sa loob ng bahay at hindi na lumalabas. Hinahati-hati na lamang niya ang kanyang araw sa iba't ibang gawain para lang may mapaglibangan at lumipas ang oras. Kinuha niya ang kanyang phone at pinatay ang alarm, bago walang saysay na nag-scroll sa iba't ibang apps.
Gulong-gulo ang isip niya at hindi siya makapag-concentrate sa kahit na ano. Hanggang sa bigla siyang may nakitang video sa isang app. Ang mga tao sa picture ay pamilyar na pamilyar sa kanya. Agad niyang tiningnan ang account name at nakita ang pangalang Scarlett Sinclair.
"Talaga namang mapaglaro ang tadhana," mapait na bulong niya sa sarili.
Ang video ay na-post lang kagabi. Pinindot ni Shuvee ang video at agad na tumugtog ang isang masayang music. Pagkatapos ay may narinig siyang sumigaw sa background.
"One, two, three, welcome back Scarlett! Cheers!"
Nanigas siya sa kanyang
kinauupuan dahil ang boses na iyon ay boses ni Azrael.
Chapter 6: Let's Get a Divorce"Azrael..." naging paos ang boses ni Shuvee, hindi na niya mapigilan ang kanyang paghikbi."Hmm? Shuvee?" Hinawakan ni Azrael ang kanyang kamay. "What's wrong? Gusto mo bang umiyak? Sige, umiyak ka lang. Huwag mong kimkimin 'yan."Napakalumanay ng boses nito, sobrang lambing. Katulad lang noong lumabas siya sa operating room noon; siya at ang mga nurse ang nagtulak sa kanya pabalik sa ward. Nanatili si Azrael sa tabi ng kanyang kama at sinabihan siya sa boses na sobrang lumanay na halos nakakasakit na. "Shuvee, masakit ba? Kung masakit, iiyak mo lang, huwag mong pigilan..."Noong panahong iyon, naramdaman ni Shuvee na ang ganoong klaseng pag-aalaga ay gamot sa kanyang sakit. Sayang lang at inabot siya ng maraming taon bago lubos na naintindihan na ang gentleness at care ng isang lalaki ay hindi kailanman magiging katumbas ng pag-ibig."Azrael, let's get a divorce," mahinang sabi ni Shuvee habang dahan-dahang binabawi ang kanyang kamay. Ang hapdi sa kany
Chapter 5: My Own RedemptionMatapos ang masakit na rebelasyong iyon sa office, muling binalikan ni Shuvee ang kanyang mga libro. Hindi niya masyadong pinag-isipan ang magiging resulta noon; ang gusto lang niya ay lagyan ng kaunting pag-asa ang kanyang buhay. Naisip niya na kung may ginagawa siya, hindi siya masyadong malulungkot sa kaiisip sa sinabi ni Azrael.Sino bang mag-aakala na ang mga bagay na ito, na itinuring niyang pansariling libangan lang, ang magiging salvation niya ngayon? Kailangan niyang galingan sa exam niya ngayong araw. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito, palayo, at mas malayo ay mas mabuti.Sobrang sakit pa ring isipin ang lahat. Hindi na niya matukoy kung ang sakit ba ay dahil kay Azrael o dahil sa limang taon na sinayang niya para sa lalaki. Pero hindi na iyon mahalaga ngayon. Ang importante ay hindi na niya hahayaan ang sarili na malunod sa sakit na ito nang mas matagal pa. Kahit pa abutin ng mahabang panahon bago mawala ang hapdi, determinado siyang iligta
Chapter 4: I don’t want to face herHabang pinagmamasdan ang sitwasyon, sumingit si Scarlett sa tamang pagkakataon. "Azi, huwag kang magpaapekto dahil lang sa mga sinasabi nila tungkol sa asawa mo. Talagang nag-aalala lang naman sila sa'yo," malambing na sabi ni Scarlett habang nakatingin sa lalaki. "Isipin mo, napakaraming taon na nating magkakakilala. Kahit pa may masabi silang hindi maganda, palampasin mo na lang at huwag mong dibdibin. Sensitive lang talaga asawa mo at killjoy.""Hindi ako galit," maikling sagot ni Azrael habang ibinubulsa ang kanyang phone. "Never mind, hindi naman 'yun pupunta kahit saan. Come on, let's continue!"Sa isip ni Azrael, sa nakalipas na limang taon, wala namang ibang pinupuntahan si Shuvee kundi ang bahay nila, at wala rin naman itong ibang matutuluyan.Sulyap ni Owen kay Scarlett sabay bulong, "Napakabait talaga ng Scarlett natin! Kung hindi lang kayo nag-break noon...""Ano bang sinasabi mo?" saway ni Scarlett kay Owen, pero may halong ngiti. "Hin
Chapter 3: FavoritismDahil sa exaggerated na performance ni Owen, sumabog sa tawa ang lahat ng nasa loob ng kwarto. Si Scarlett, na nakaupo sa tabi ni Azrael ay tawa nang tawa hanggang sa sumandal na ito sa balikat ni Azrael. Samantala, nanatiling tahimik si Azrael at hindi man lang pinigilan ang kanyang mga kaibigan."Azrael, ganito kasi 'yun o," lumingon si Owen habang nakangiti, handa na sanang magpatuloy sa kanyang biro.Pero bago pa man niya matapos ang sasabihin, nakita nito si Shuvee na nakatayo sa may pinto. Agad na naging bato ang kanyang ngiti. "S-shu... Shuvee..." nauutal na tawag ni Owen sa kaniya.Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa pinto at lahat sila ay tila natigilan. Tumayo si Scarlett mula sa pagkakasandal sa balikat ni Azrael at ngumiti nang pilit."Oh, ito na ba ang legendary wife ni Azrael? Hello, pasok ka! I'm Azrael's girl best friend," bati ni Scarlett na tila ba siya ang may-ari ng lugar.Tiningnan ni Shuvee ang bawat isa sa loob ng private room, at naram


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.