“Nandito na si ninang!” I felt giddy when I heard Jazie’s voice pagkapasok ko sa condo niya. Isang linggo na rin simula nang manganak siya at halos dito na ako sa condo niya tumira. “Dalhin mo na kaya mga gamit mo rito?” “Bakit naman?” “Halos dito ka na tumira ah, ano wala na kayo nung boyfriend mo?” Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang araw ko nang iniiwasan si Rocco dahil sa nangyari sa huling araw namin sa japan. Nakakatawa na tawagin niya akong Natasha. “Kami pa naman,” Nagtaas ng kilay si Jazie sa akin kaya nginisian ko siya. “Akala ko hiwalay na kayo, muntik na akong magpa party,” Natawa ako. He hates Rocco that much huh? “Hindi pa, pero baka malapit na,” Nilapag ko sa lamesa ang mga prutas na dala ko, ngumiti ako nang makita ko na mahimbing na natutulog ang baby sa crib niya. “Ang cute cute niya talaga,” halos haplusin ko na ang pisngi nito pero agad kong pinigilan ang sarili ko dahil baka magising siya kapag hinawakan ko siya. “Mag anak kana rin, bago mo iwanan ang
続きを読む