Chapter 422Tinitigan ni Astrid ang lalaking nasa kaniyang harapan. Nang maalaala niya si Caroline, dahan-dahan siyang tumango."Okay," tipid niyang sagot.Nagtungo sila sa isang riverside café. Umupo sina Astrid at Santi sa tapat ng bintana kung saan kitang-kita ang sikat na tanawin ng ilog sa Maynila sa gitna ng patuloy na pag-ulan."Isang hot milk lang sa akin, please," utos ni Astrid sa crew."I remember you used to really like drinking coffee," mahinhong puna ni Santi habang nakatingin sa kaniya."People change, Mr. Romanov," malamig at walang emosyong sagot ni Astrid.Inabot ni Santi ang kaniyang kape at dahan-dahang humigop doon. Ang pait sa kaniyang labi ay walang-wala kumpara sa labis na pait na nararamdaman ng kaniyang puso.Inilabas ni Santi ang isang polder mula sa kaniyang bag at inilapag iyon sa mesa."These are all of Ryker's investment projects, including your and Alessandra's gallery," seryosong pahayag ni Santi.Napakunot ang noo ni Astrid habang nakatitig sa mga pap
Read more