Chapter 954Lalong nataranta si Kendra nang makitang wala ring napala ang ina sa pakikipag-usap kay Akirah."Ma, nasa business trip pa si Stanley at wala pa siyang alam tungkol dito, pero babalik din siya," nanginginig na sabi ni Kendra habang hawak ang kamay ng ina. "Paano kapag nalaman niya 'to?""Kasal kayo at may anak kayo sa tiyan mo," naiiritang sagot ni Liana habang inaayos ang Shoulder bag nito. "Paano ka naman niya iiwan? Huwag kang mag-alala, gustong-gusto ng mga Osmeña ang batang dinadala mo kaya walang makakakuha ng pwesto mo bilang Mrs. Osmeña.""Pero ayaw tayong tantanan ni Akirah," naiiyak na reklamo ni Kendra habang namumula ang mga mata. "Natatakot ako na baka sabihin niya 'to kay Stanley."Gusto niyang maiyak sa sobrang takot dahil hindi niya kayang mawala si Stanley sa kanya."Tatawagan ko ulit ang batang 'yan," inis na sabi ni Liana bago inilabas ang cellphone. "Hindi ako naniniwalang hindi madadaan sa pera ang usapang 'to."Mabilis na sinagot ni Akirah ang tawag s
더 보기