Chapter 90Napalingon si Astrid sa direksyon ng boses at nakita si Caroline sa may hallway. Halatang hindi nito inaasahan na makikita siya rito.Nang mabawi ni Caroline ang kaniyang reaksyon, dahan-dahan itong naglakad patungo sa kanila."Astrid, matagal-tagal din tayong hindi nagkita," bati ni Caroline.Umarte ito na tila walang nangyari, ngunit bakas ang pang-uuyam sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Ayaw ni Astrid na maging kahiya-hiya ang sitwasyon sa harap ng kaniyang guro kaya hindi niya binigyan ng pansin ang babae."Prof. Portia, may kailangan pa po akong asikasuhin kaya hindi na ako magtatagal," paalam ni Astrid sa matanda. "Mag-ingat po kayo palagi, babalik na lang po ako kapag may oras na ulit."Alam ni Prof. Portia ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya hindi na niya pinilit na manatili pa ang kaniyang paboritong estudyante."Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho, Astrid," bilin ni Prof. Portia. "Tawagan mo ako kung may kailangan ka.""Opo, salamat po, Prof," sagot ni
Last Updated : 2026-05-18 Read more