Sabay na pumasok sa loob sila Aless at Elara nang makarating sila sa Villa.Dahan dahang sumunod si Elara kay Aless paakyat sa kwarto. Alam niya ang nakatakdang mangyari, at sa bawat hakbang, tila tumataas ng isang grado ang temperatura ng kanyang katawan. Sinimulan niyang obserbahan ang katawan ni Aless, ang malapad na balikat, maliit na baywang, at ang swabe pero maskuladong hubog ng likod nito. Napansin din niyang napakatigas at perky ng puwit nito.Habang naglalakad, nakita niya ang braso ni Aless na nakatupi ang manggas ng puting polo, bakas ang mga ugat at matitigas na kalamnan na simbolo ng disiplina sa ehersisyo. Hindi lang guwapo ang mukha ni Aless, nakaka-akit din ang kanyang katawan. Pero ang tanong, "performance" wise kaya ay ayos din siya?
Last Updated : 2026-05-04 Read more