FRANK Hindi ako mapalagay dahil wala pa si Ariana, kabisado ko ang mga anak ko kapag nandito na sila. Ngunit ngayon wala pa si Ariana, tahimik lang akong binabantayan sila ngunit hindi ko pinapakialamanan ang mga desisyon nila sa buhay lalo sa taong mamahalin nila.Ilang beses ko nang sinubukang tawagan ang number ng anak ko, gunit walang sumasagot. Hindi naman iyon pangkaraniwan. Kahit busy siya, nag-iiwan iyon ng maikling message sa akin.Nasa study ako nang biglang tumunog ang maliit na gadget sa ibabaw ng desk ko ito ang paraan ng pagbabantay ko sa kanila.Napalingon ako. Isang pulang warning sign ang kumikislap sa monitor. Nanigas ako nang makita ko ang pangalan.ARIANA CARUSO EMERGENCY ALERT"Fvck."Agad akong lumapit, matagal nang konektado sa security system ko ang cellphone ni Ariana at Fabio. Hindi para bantayan ang bawat galaw nila, kundi para sa emergency. Bilang taong maraming naging kaaway sa nakaraan ko, hindi ko kailanman isinugal ang seguridad ng mga anak ko.Ngayon
Baca selengkapnya