CARMELA Kinabukasan, paggising ko pa lang, parang may kakaiba ng saya sa buong bahay namin basta masaya ang paligid. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi o dahil hindi ko pa rin lubos maisip na ikakasal na ako.Pagbaba ko sa dining area, naroon na si Mama, may hawak siyang notebook, ilang brochure, at laptop. Napahinto ako sa may hagdan habang pababa at tinignan ang oras sa cellphone ko alas otso palang ng umaga."Ma..." Tawag ko at napatingin siya sa akin."Good morning, bride-to-be!"Napapikit ako at ewan, pakiramdam ko nag-init ang dalawang pisngi ko dahil sa sinabi ni mama. Lumapit ako hinagkan ko siya sa pisngi."Ma naman." Napapangiti kong sabi at tumawa siya."Umupo ka. May titingnan tayo." Sabi niya at binalik ang atensyon sa hawak niya."Ngayon agad?" React ko na natatawa kasi kakagising ko lang."Of course. Sabi mo garden wedding, hindi ba?"Marahan akong tumango at isa-isa niyang ipinakita sa akin ang mga larawan ng mga wedding gown at design para sa garden weddi
Read more