Isa sa mga pinakahindi malilimutang karanasan ni Nimfa ay ang kanilang honeymoon ni Zachary sa cruise ship. Pagkalipas ng ilang araw, nakarating sila sa Mexico, kung saan nila ginugol ang ilang araw na magkasama bago tuluyang bumalik sa Los Angeles, California.“Welcome back…” masayang bungad sa kanilang dalawa ng nanay-nanayan nila.Ngumiti silang dalawa ng asawa niya bago sila lumapit at mahigpit itong niyakap.“Na-miss ka namin, ‘Nay Sylvia,” nakangusong sambit ni Nimfa bago ito inalayan ng matamis na halik sa pisngi nito. “Hindi man po kayo sumama sa ‘min, may mga pasalubong naman po kami ni Zachary sa inyo galing Mexico.”“That's so sweet, Nimfa. Salamat at hindi niyo ‘ko kinalimutan. So, how's your honeymoon, huh?”“Na-enjoy po namin, ‘Nay Sylvia. Maraming nangyari, pero masaya,” sagot dito ni Zachary. “Sa sobrang daming nangyari, halos hindi na po namin maalaala ang iba,” natatawa niyang wika bago binalingan si Wesker na nasa likod nilang dalawa. “Nga pala, ‘nay, si Wesker po,
Последнее обновление : 2026-06-07 Читайте больше