Se connecter“Harry!” tawag ni Claire sa anak.Pero imbes na lumingon sa kaniya, dire-diretso lang itong naglakad. Umiling siya bago ito sinundan.“Harry, bingi ka ba? Kanina pa kitang tinatawag!” asik niya pa sa anak.Pero sa ginagawa nito, parang wala itong balak na pansinin siya. Sunod-sunod siyang umiling at bago pa ito makalabas ng bahay, mabilis niyang sinarado ang pinto. Gulat na humarap ang anak sa kaniya.“What, mom?!”“Tinatawag kita, bakit hindi ka umiimik?” singhal niya rito.“Para saan pa, mom? Ano pa ba'ng pag-uusapan natin?”Ngumisi siya. “Maghapon ka sa tabi ni Marco. Seryoso ka? Maghapon mong sinamahan ang batang ‘yon sa kuwarto niya kahit hindi mo naman siya kaano-ano. Nag-aaksaya ka lang ng oras sa kaniya, Harry!”“So?”“So? Hindi mo ba ako naunawaan, Harry? Ilang beses ko bang kailangang ipaintindi sa iyo na hindi mo tunay na kapatid si Marco? Why do you care about him so much?” “Because he's still my sibling—my baby brother. Mom, when you told me Marco’s not my sibling, I did
“‘Yan ang plano mo? Ang sugurin si Bryes?” tanong ni Nimfa sa asawa habang naglalakad sila palabas ng presinto, kasama si Benjie at ang abogado nitong si Atty. Cueto.“Bakit hindi, wifey? Tinangka ka niyang gáhasain, sa tingin mo wala akong gagawin? Hindi ako natatakot sa maaaring mangyari sa akin. Natatakot ako para sa iyo,” nag-aalala nitong tugon na ikinailing niya.“Zachary knew he’d be released immediately,” natatawang sambit ng abogado nito. Natawa rin si Zachary. “Syempre naman, Atty. Cueto. Ikaw pa, magaling ka, eh.”Makalipas ang ilang oras matapos ma-detain ang dalawang loko, nakalabas na rin sila sa tulong ni Atty. Cueto. Nakapagpiyansa sila kaya pauwi na sila ngayon.“If you need me again, don't hesitate to call me, Zachary. I have to go.” At tinapik ng abogado ng asawa ang balikat nito.Nakangiti lamang na tumango si Zachary kaya tuluyan na itong lumisan. “Akala ko makukulong na talaga ako, buti't ilang oras lang,” wika ni Benjie, tila nabunutan ng malaking tinik sa pus
“Nimfa, don't try to speak!” madiing sambit ni Atty. Jimenez.Pinakatitigan ni Nimfa ang abogado bago umiling saka humakbang pauna. Agad namang nagsilapitan sa kaniya ang mga taga-media. Halos hindi na niya mabilang kung ilang mikropono at kamera ang nakatutok sa kaniya nang sandaling iyon.“Totoo ba ang balita na muntik ka nang pagsámantalahan ni Bryes Donovan? Ang kaibigan ng dati mong asawang si Marcus Delacroix?” tanong sa kaniya.Mariin siyang lumunok bago nagsalita. “Totoo ang balitang ‘yan. Dinepensahan ko lang ang sarili ko kaya ko siya nasāksak. Kung may kriminal sa aming dalawa, siya ‘yon! Dapat siyang managot! Dapat siyang makulong!” tugon niya.“Paano nagsimula ang lahat? May away ba kayo ni Bryes Donovan kaya niya nagawa ‘yon?”“Ano'ng masasabi mo na ang kaibigan pa mismo ng dati mong asawa ang muntik nang manámantala sa iyo?”Marami pang tanong sa kaniya—hindi na niya alam kung ano ang sasagutin. At nang akmang magsasalita na siya, biglang humarang si Atty. Jimenez sa ha
“Of course, I will do everything in my power to help your wife win this case.”“Salamat, Atty. Jimenez.”Pagkasabi niyon ni Zachary, pinatay na niya ang tawag bago sunod-sunod na nagpakawala nang marahas na hangin sa bibig.“Boss, ano ba talaga ang nangyari kay Ma'am Nimfa? Bakit siya nasa presinto?” tanong sa kaniya ni Benjie na kasalukuyang nakaupo sa tabi niya.“Mahabang kuwento, Benjie. Sasabihin ko sa iyo kapag natapos ang lahat ng ito.”“So bakit mo ako pinatawag?” Mataman niyang tiningnan ang tauhan sa mga mata bago umiling saka pinaandar ang sasakyan palayo sa kaniyang bahay.“Kailangan ko ng tulong mo, Benjie,” tugon niya rito.“Tulong? A-Ano'ng gagawin natin, boss?”“Ikukuwento ko na lang sa iyo kapag nakarating na tayo.”Bagama't nagtataka, wala nang nagawa si Benjie kundi ang manahimik. Habang siya'y diretsong nakatingin sa kalsada, walang ibang iniisip kundi ang asawa niya. Hindi niya hahayaang matapos ang araw na ito na hindi nakakalabas si Nimfa sa presinto. Ito na an
“M-Muntik ka nang gáhasain ni Bryes?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Zachary.Umiiyak na tumango si Nimfa. “Oo, hubby. Hindi ko na alam ang nangyari. Nagulat na lang din ako na nasāksak ko na pala siya. Pero kung hindi ko ‘yon nagawa, b-baka tuluyan na niya akong napágsamantalahan…” tugon niya sa asawa.“Dēmonyo ka, Bryes! Napakáhayop mo!” nanggagalaiting sambit ng asawa bago galit na pinagsisipa ang bakal.Walang nagawa si Nimfa nang sandaling iyon. Habang umiiyak, nagngangalit naman ang asawa niya dahil hindi nito matanggap ang nangyari sa kaniya.Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nagawa niya. Kûtsilyo na pala ang nahawakan niya, na siyang ginamit niya upang sāksakin si Bryes.Nang matumba ito, umiyak siya. Umiyak siya hindi dahil sa takot sa nagawa niya, umiyak siya dahil pakiramdam niya'y madumi na siya. Dinilaan siya at hinawakan pa ni Bryes ang pribadong parte niya, kaya ganoon na lang ang pakiramdam niya.“Narinig mo po, dinepensahan lang ng asawa ko ang s
“Zachary!”Mabilis na iminulat ni Zachary ang mga mata nang marinig ang tinig ng asawa.“Wifey?” sambit niya bago iginala ang paningin sa kapaligiran.Nasa loob pa rin pala siya ng silid ng anak. Nang silipin niya ang relong pambisig, marahas na lang siyang napabuntong-hininga nang mapagtantong halos tatlong oras na pala siyang tulog.Bumangon siya bago bumaba sa kama saka lumabas ng silid. Bumaba agad siya sa unang palapag at bumungad sa kaniya si Zacharias habang abala sa tablet nito. At mula sa kinatatayuan niya, tanaw niya sa swimming pool area ang Tres Marias na masayang nakikipaglaro kina Zara at Nox.Umiling siya bago nilapitan ang panganay.“Ang mommy mo, Zacharias?” tanong niya bago umupo sa harap nito.Nag-angat ito ng mukha sa kaniya bago kumibit-balikat. “I don't know, daddy,” tugon nito.“Ibig-sabihin, wala siya rito sa bahay?” “Yes, daddy.”“Nasaan siya? Hindi ba siya nagsabi sa iyo kung saan siya pupunta?”“No, daddy. I had a conversation with her, but when I came back







