“Ano ba kayo? ‘Wag nga kayong mag-alala sa ‘kin. Sa tingin niyo ba magkakaro’n ako ng peace of mind sa Amerika, eh pakiramdam ko kahit saan ako pumunta, susundan ako ni daddy?” bulalas ni Janice nang bumisita ito sa bahay ni Zachary pagkatapos nilang ipaalam rito na aalis na sila sa bansa sa isang linggo.“Sagot naman ni Zachary lahat, Janice. Presensya mo na lang ang kailangan do’n. Ayaw mo ba no'n, kumpleto tayong tatlo na titira sa isang mansyon?” usal ni Nimfa sa kaibigan.Bahagyang natawa si Janice. “Sa pagkakaalam ko, kahit kailan ay hindi naman tayo nakumpleto. Nakakalimutan niyo na ba? Apat tayo, ‘di ba? Si Wes—”“‘Wag mo nang hanapin ang wala, Janice,” putol ni Zachary sa kaibigan bago humigop sa kape nito. “Umalis na siya, hindi na siya kabilang sa ‘ting tatlo,” anito pa, halata ang inis sa boses.Napailing na lang si Nimfa nang sandaling iyon. “Ano, bess, payag ka ba?” tanong niya kapagkuwan.“Gusto ko sana, bess, kaso ayokong sirain ang moment niyong dalawa ni Zachary. Nat
Последнее обновление : 2026-05-31 Читайте больше