LOGINSa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, isang masakit at nakakadurog-pusong katotohanan ang natuklasan ni Nimfa—may ibang babae ang kaniyang asawang si Marcus. Ngunit ang higit na hindi niya matanggap: ang kabit ng kaniyang asawa ay ang mismong hipag—ang asawa ng nakatatandang kapatid ni Marcus. Sa kabila ng sakit na dulot nito, pinili ni Nimfa na magbulag-bulagan. Ayaw niyang masira ang pagsasama nila ni Marcus, dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Kaya nanatili siya, kahit unti-unti na siyang nauupos. Subalit lalo pang tumindi ang lahat nang mamatay ang kapatid ni Marcus. Pansamantalang tumira sa kanilang bahay ang hipag nito kasama ang anak, at doon mas lalong nakita ni Nimfa kung gaano na siya pinapabayaan ng asawa—sapagkat ang buong atensyon nito ay nasa ibang babae na. Isang gabi, sa tindi ng sakit at pagod, tuluyan nang nagdesisyon si Nimfa. “Maghiwalay na tayo, Marcus. Mag-file na tayo ng annulment para matapos na ang lahat ng ‘to,” malamig niyang wika. Ngunit tatanggapin ba ito ni Marcus? At sa gitna ng sugat na iniwan ng kaniyang asawa, isang lalaki ang muling babalik sa buhay ni Nimfa—isang lalaking may koneksyon sa kanilang nakaraan, na ngayon ay isa nang makapangyarihang bilyonaryo.
View More“I never touched my wife—never in our three years of marriage.”
Umalingawngaw agad sa magkabilang tainga ni Nimfa ang narinig mula sa loob ng VIP room. Pamilyar ang boses, malalim iyon—walang iba kundi ang asawa niyang si Marcus. Mabilis niyang ibinaba ang kamay na sana'y gagamitin niya upang buksan ang pinto, ngunit hindi na niya naituloy dahil sa narinig. “What? Dude, tatlong taon na kayong kasal, yet you never touched her? Come on, ni hindi ka man lang ba tinîgásan habang nakikita si Nimfa?” Halakhak ng kasama nito. “Hindi!” mariing sagot ni Marcus. “Dude, hindi naman sa nangingialam ako, pero hindi ko lang mapigilan na mapansin na every wedding anniversary niyo ni Nimfa, nagtatago ka. Nandito rin tayo last year, right? Same spot, but different drink. Niloloko mo lang ang asawa mo…” sambit ng isa pa. Sa mga tinig nila, nakilala na ni Nimfa kung sino ang mga iyon—sina Lance at Bryes—mga kaibigan ni Marcus. “Sa tingin niyo ba gusto ko ‘to?!” bulalas ng asawa niya. “Hindi ko na mahal si Nimfa. Nananatili lang ako sa relasyon namin kasi naaawa ako sa kaniya. For three years, naging mabuti siya sa ‘kin. Ginawa niya ang responsibilidad niya bilang asawa ko—she takes care of me, she prepares my food every morning, and she irons my suit.” “Yet hindi mo pa rin siya mahal?” Si Lance. “Hindi!” may diing tugon ni Marcus na ikinakagat-labi na lang ni Nimfa. “Ayoko siyang saktan, mahal ko siya, at pinaninindigan ko ang pangako ko sa kaniya na kahit ano pang ipakita ni Nimfa sa ‘kin, hindi ako mahuhulog.” “Siya? Sinong siya?” taka ni Bryes. “It’s… Claire, my brother's wife…” sagot ni Marcus na ikinabagsak agad ng panga ni Nimfa. Hindi niya alam ang gagawin nang sandaling iyon, pero dahil sa narinig, unti-unting namalisbis sa mga mata niya ang mainit na likido habang nanginginig ang kaniyang mga labi. Tatlong taon… ganiyan na pala siya katagal naging manhid at ignorante sa tunay na relasyon nila ni Marcus. Ang masaklap, ngayong araw ay ang ikatlong anibersayo ng kasal nila. Niloloko lang pala siya nito. Wasak na ang puso niya, pero mas lalo pa iyong nawasak nang malaman niya na ang kabit nito ay si Claire, ang asawa ng nakakatandang kapatid nito na si Harrison. Gustong umatungal ni Nimfa, pero mas pinili niyang maging tahimik kahit halos bumaha na ng luha. Naghanda pa naman siya ng surpresa para kay Marcus, pero ito ang madadatnan niya—isang masakit at nakakadurog-pusong katotohanan. At dahil hindi na niya makaya ang mga naririnig, napagpasyahan na lang niyang lumisan ng club na madalas puntahan ni Marcus kasama ang mga kaibigan. Nang may nakita siyang basurahan, itinapon niya roon ang bulaklak na ibibigay niya sana kay Marcus bago sumakay ng sasakyan habang walang humpay pa rin ang pagtagas ng luha sa mga mata niya. Lumipas ang ilang araw, nagpatay-malisya si Nimfa. Nagpatuloy siya sa pagiging responsable niyang asawa kay Marcus dahil mahal pa rin niya ito sa kabila ng masakit niyang nalaman. “Harrison is dead!” Nang matanggap nila ang balitang iyon, sumugod agad sila ni Marcus sa ospital. Nandoon na ang buong angkan ng mga Delacroix—hindi makapaniwala sa nangyari. Ang balita: pinilit ni Claire si Harrison na mag-racing kahit malakas ang buhos ng ulan. Dahil madulas ang racetrack, nawalan ng kontrol ang sasakyan at dumiretso ito sa harang sa gilid ng kalsada. Tumilapon ang kotse sa lakas ng impact, at sa isang iglap, doon na binawian ng buhay ang asawa. Dahil sa nangyari, galit ang mga Delacroix kay Claire, lalo na ang ina ni Harrison. Sa tindi ng galit nito, akmang sasampalin na nito ang manugang, pero lahat ay nagulat nang saluhin ni Marcus ang palad ng sariling ina. Sa lakas, mabilis na namula ang pisngi nito. Tahimik lang si Nimfa, walang emosyon ang mukha habang pinagmamasdan si Claire na takot na takot habang nagtatago sa likod ng asawa. Napangiwi siya, at dahil ayaw na niyang makisali sa away nila, lumayo na lang siya. Pero hindi pa man siya nagtatagal sa puwesto, isang tila galit na boses ang nagpahinto sa kaniya. “What were you thinking, Nimfa?” Hinarap niya ito, at hindi na siya nagulat nang makita si Marcus. Hanggang ngayon, pulang-pula pa rin pisngi ng asawa. “A-Ano?” “I said, what were you thinking? Umalis ka bigla. Ni hindi mo man lang ipinagtanggol ang asawa—” “Galit ako, Marcus!” Kumunot ang noo ng asawa. “Galit ka? For what?!” “Prinotektahan mo si Claire sa harap ng angkan mo. Sinalo mo ang sampal na dapat sa kaniya lalapat. Parang mali yata, Marcus. Ako dapat ang magtanong sa ‘yo ng what were you thinking? Ako ang asawa mo, pero iba ang pinoprotektahan mo!” “Just because I took a slap for Claire, mamasamain mo na? Hindi niya ginusto ang nangyari kay Kuya Harrison. Nagluluksa siya pagkawala ng asawa niya! She needs protection.” “Protection? Bakit, sino ba ang naglagay sa kaniya sa sitwasyong ‘yon? Siya rin, ‘di ba? Kung hindi niya pinilit si Kuya Harrison na mag-racing kahit naulan, hindi sana—” “Enough!” hiyaw ni Marcus na ikinaatras niya. Hindi na siya nagulat sa reaksyon ng magaling niyang asawa. May relasyon ito kay Claire, sa sarili nitong hipag kaya protektado nito ito. Habang siya, parang wala lang, parang siya pa ang ginawa nitong masama at may kasalanan ng nangyari. Umiling siya. “Kailangan ka nila, Marcus,” sambit niya sa asawa bago ito iniwan. Napagpasyahan na lang niyang umuwi sa bahay nila. Babalik na lang siya kapag nakaburol na ang mga labi ni Harrison. Ngunit saktong palabas na siya ng ospital, isang boses ang biglang tumawag sa kaniya. Nang harapin iyon ni Nimfa, nakita niya si Harry—ang pitong taong gulang at chubby-ng anak nina Harrison at Claire. Ang nakakagulat, pinagigitnaan ng asawa niya at ni Claire ang bata. Lumunok siya bago lumapit sa mga ito. “Hi, Harry…” “Hello, Tita N,” bati sa kaniya ni Harry bago nakipagbeso pa sa kaniya. “Nimfa, I have a favor,” pakiusap ni Marcus sa kaniya. Humiwalay siya kay Harry bago humarap sa asawa. “Ano ‘yon?” “Isama mo muna si Harry sa bahay natin. May mga kailangang asikasuhin dito. I can't leave, Claire needs—” “Sure.” Proteksyon. Hindi na niya kailangang marinig pa iyon. Alam niyang iyon ang sasabihin nito, kaya pinutol na niya. Malapad naman na ngumiti si Claire bago walang pasabi siyang niyakap. Humiwalay rin naman ito agad sa kaniya. “Salamat, Nimfa. I owe you.” Ngumiti siya kahit ang totoo ay gusto niyang tirisin ang dalawa. “Wala ‘yon. Alam ko ang sitwasyon niyo kaya walang problema sa ‘kin. Let's go, Harry, say bye to your mommy and daddy—I mean Tito Marcus.” “Bye, mommy, bye, tito…” Nakangiting tumango ang dalawa kaya naman hinawakan na niya ang kamay ni Harry bago ito inaya palabas ng ospital. Pero pagtalikod, napairap na lang siya. “Mga plastik!” inis niyang bulong bago tuluyang naglakad palayo.“H-How’s Zacharias, Tita N?” tanong ni Harry.Napamulagat si Nimfa. Hindi siya agad nakapagsalita habang nakatitig sa mga mata ng binata. Habang pinagmamasdan niya ito, biglang rumihistro sa isip niya ang nangyari noon—ang panahong malayo ang loob nila sa isa't-isa. Tandang-tanda pa niya kung paano ito gumawa ng kuwento para magalit si Marcus sa kaniya. Nagsinungaling itong kinurot niya raw ito kahit hindi naman totoo. Pero ngayon, sa hitsura ni Harry, para itong hindi makabasag-pinggan. Ibang-iba na rin ito. Guwapo at matipuno na, malayong-malayo sa batang dati niyang kilala.Mariing napalunok si Nimfa bago sunod-sunod na umiling. “Si Zacharias?”Tumango si Harry. “How is he? Is he okay?”“O-Oo, okay lang naman siya. Natutulog na siya. Teka—bakit mo natanong? Naparito ka ba para lang tanungin kung maayos ang anak ko? Naguguluhan ako, Ha—”“Just remember, Tita N... the day will come when you will know the truth.”Pagkasabi niyon ni Harry, tumalikod na ito at agad na tumakbo palayo.“
“So you and Zachary aren't okay?” rinig niyang tanong ni Wesker habang nakatanaw siya malayo.Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Nimfa bago binalingan ang kaibigan. Kasama nito ang asawa nitong si Olivia, na karga ang bunso nilang anak. Kasalukuyan silang nasa pool area ng bahay nila, at naibahagi na niya sa mag-asawa ang nangyari sa pagitan nila ni Zachary.“Mali ba ako na mas pinili kong maging maayos ang lahat kaysa habang-buhay kong ibaon sa sarili ko ang galit na matagal ko nang kinikimkim?” seryoso niyang tanong.“Look, Ningning, ‘wag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Masisisi mo ba ako kung mas kakampihan ko si Zachary kaysa sa iyo? Your husband only wants what's best for you. He's just protecting you from your bástard ex-husband. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya galit sa ginawa mo,” wika ni Wesker.“Past is past, babe. Why does Zachary need to react that way? Nimfa just wanted peace, and peace starts by letting go of the past,” sambit naman ni Olivia.“Nandoo
“Can I help you?” kalmadong tanong ni Marcus kay Zachary.Ngunit imbes na sumagot, ibinato lang nito sa malayo ang hawak na helmet bago sumugod palapit sa kaniya. Pagkalapit, agad siyang inundayan nito ng suntok. Ngunit dahil alerto si Marcus, mabilis siyang nakaiwas.“What’s wrong with you, Zachary?” asik niya rito.“What’s wrong with me? Baka ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, hináyupak ka! What’s wrong with you, Marcus?”Mapaklang tumawa si Zachary, dahilan upang mapakunot-noo si Marcus.“What the hell are you talking about? Look, Zachary, nagbago na ako, kaya ‘wag mo nang ibalik kung sino ako noon. Sumugod ka rito, tapos ganiyan ang ibubungad mo sa akin? Have some respect. You’re in front of my fûcking house!”Nagpatuloy lang sa pagtawa si Zachary.“Ikaw? Rerespetuhin ko? Sa tingin mo ba, Marcus, karapat-dapat kang respetuhin? Hindi porke nagbago ka na, magiging maayos na kayo ng asawa ko. Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang kausapin at yakapin ang asawa ko? ‘Wag mong
Bahagyang natawa si Nimfa bago umiling.“A-Ano ba'ng sinasabi mo, hubby?”“'Wag mo nang i-deny pa, Nimfa!” seryoso at malamig na sambit ni Zachary. “Magkayakap kayo ni Marcus. Nakita ko mismo sa litrato. Ano'ng ibig sabihin noon? Sinabi ko na sa iyo na 'wag ka nang lalapit o makikipag-usap sa lalaking 'yon! Pero ano'ng ginawa mo? Binigo mo ako, Nimfa!” nakatiim ang bagang nitong sambit bago siya nilampasan.Hindi agad nakapagsalita si Nimfa sa narinig. Ilang segundo siyang natuliro bago hinabol ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit mas lalo niyang naramdaman ang galit nito nang mariin nitong bawiin ang kamay mula sa kaniya.Napailing siya bago muling hinarangan ang daraanan ni Zachary at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.“Hindi ko ide-deny 'yon, hubby. Oo, magkayakap kami ni Marcus dahil... dahil okay na kami. Alam kong nabigo kita. H-Hindi ko nasunod ang napagkasunduan nating dalawa, at kasalanan ko 'yon. Pero... mukhang nagbago na naman siya, hubby, simula nang maku
“Zachary, t-teka, a-ano’ng ginagawa mo rito?” naguguluhang tanong ni Nimfa sa lalaki.Imbes na sumagot, lumingon lang ito sa driver. “Paandarin mo na ang sasakyan, Benjie. Ihatid natin siya sa bahay nila,” utos pa nito.Mabilis na tumango si Benjie bago tuluyang minaniobra ang sasakyan palayo. Mas
“Daddy?”“Hey, kiddo, how's your day?” nakangiting bungad ni Marcus kay Harry ng personal niya itong sunduin sa eskuwelahan nito.Nakabungisngis na sumampa ang bata sa kotse bago yumakap sa kaniya. “I'm so happy, daddy. I'm tired po sa P.E namin kanina, pero nawala po tiredness ko because of you. T
“A-Ano’ng sabi mo, Marcus? S-Si Manang Ruby… pátay na?” nanginginig ang boses na tanong ni Nimfa sa asawa, tila hindi maiproseso ang narinig.Tumango si Marcus. “A friend from the forensic team called me. He confirmed the body was Manang Ruby’s.”Napatigil si Nimfa sa rebelasyong binitawan ng asawa
“Hoy, bess, ayos ka lang ba? Kanina ka pang nakatulala riyan,” untag ni Janice na ikinabalik ni Nimfa sa reyalidad. “A-Ano?” tugon niya. Humalakhak ang kaibigan. “May bumabagabag ba riyan sa isip mo? Kanina ka pa kasing parang wala sa sarili. Tingnan mo nga ‘yang ice cream na hawak mo, natutuna












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore