Naalimpungatan si Maria sa tunog ng orasan na nasa bedside table niya. Kukurap-kurap ang mga mata niya saka niya iyon nilingon, nanlaki ang mga mata ni Maria dahil tanghali na pala. Napainat siya sabay hikab, sumilay ang ngiti sa kanyang labi dahil kay gaan ng kanyang pakiramdam sa umagang iyon. Sa unang pagkakataon, mahimbing siyang nakatulog walang iniisip at walang pinoproblema. Unang pagkakataon ding nagising siyang masaya, magaan ang kanyang pakiramdam at walang inaalalang maaaring masamang mangyari."Thank you Lord, sana ay tuloy-tuloy na po ito." Anas ni Maria pagkatapos niyang umusal ng maikling taimtim na panalangin.Bumangon na si Maria inayos niya ang kanyang higaan. At agad na nagtungo sa bathroom upang maligo na din. Balak niyang bumaba ng kanyang kwarto at maglakad -lakad kahit saglit. Pakiramdam niya ay nakapagpahinga na ang kanyang pagal na katawan at pagod niyang isipan sa mahimbing niyang tulog magdamag. Sandali lang naligo si Maria at nagsuot siya ng pants na maong
Last Updated : 2026-05-28 Read more