Share

Chapter 5: Sa Wakas

last update publish date: 2026-05-28 12:40:24

Panay ang sigaw ni Maria sa bawat putukang naririnig niya. Natapilok pa nga ito at napasubsob dahil sa kakatago at kakatakbo nila.

"Alisin niyo na kasi ang gapos ko para makakilos ako nang maayos!" Singhal ni Maria sa dalawang babae dahil sa kanyang inis.

Masakit kaya ang kanyang nguso at dibdib sa pagkakadapa nito dahil hila-hila siya ng dalawang babae. Nagkatinginan naman ang dalawang babae na tila nag- atubili pang sundin ang sinabi ni Maria.

"Ano na? Hihintayin niyo pa bang mabali lahat ng parte sa katawan ko bago niyo ako kalagan?" Pandidilat pa ni Maria sa dalawa.

Napabuntong-hininga naman si Mimi at sinenyasan niya si Lala na kalagan na si Maria. Tumango si Lala at mabilis nitong kinalagan si Maria habang panay naman ng palitan ni Mimi nang putukan sa kanilang mga kalaban.

"Salamat naman," wika ni Maria nang maalis na ang kanyang gapos.

"Magtago ka sa likuran namin kahit anong mangyari huwag ba huwag kang aalis." Bilin ni Lala kay Maria.

Tumango si Maria at nagtago nga ito sa likuran ng dalawang dalaga. Mailap ang mga mata ni Maria sa buong paligid kahit pa nanginginig ang buong katawan nito sa magkakahalong emosyong kanyang nararamdaman. Bagaman ninenerbiyos si Maria ay pinipilit niyang pinapagana ang kanyang utak sa mga sandaling iyon. Dahil iyon na lamang ang perfect timing na makakatakas siya mula sa kamay ni Anghel. Bahala na, napausal nang dasal si Maria na sa kanyang pagtakas ay hindi ito matamaan nang ligaw na bala.

"Lala nasaan si Maria!" Sigaw na tanong ni Mimi nang mapalingon siya sa kanyang katabi.

Mabilis namang nilingon ni Lala si Maria na nakakubli sa kanyang likod ngunit wala na pala ito.

"Bullsh*t! Saan siya nagpunta nandito lang siya kanina," malutong na mura ni Lala.

"Malilintikan tayo kay boss buwisit pasaway talaga ang babaeng iyon!" Bulalas naman ni Mimi sabay kalabit sa gatilyo ng kanyang baril at napuruhan nito ang kalaban.

Biglang nag-iba ang mga galaw at kilos ng dalawa mula sa mahinhin at parang inosente hanggang sa matigas at palaban nilang aura. Napagkasunduan nilang maghiwalay ng direksyong tatahakin upang hanapin nila si Maria.

Habang si Maria nang makakita ito ng pagkakataon na hindi siya mapapansin nina Lala at Mimi ay mabilis itong gumapang palayo sa dalawa. Patago-tago ito habang palipat-lipat ng puwesto. Pilit nitong pinapatalas ang kanyang mga mata kung saan banda siya puwedeng lumabas ng nasabing bahay. Nang makita nitong nakabukas ang pinto sa may likod papuntang dulo ng nasabing bakuran ay napatakbo siya. Nagkaroon ito ng pag- asa na makakatakas mula sa impiyernong lugar na iyon. Hindi nito inalintana ang panganib sa kanyang paligid ang mahalaga sa kanya sa mga sandaling iyon ay ang makalayo sa nasabing lugar.

Inakyat ni Maria ang pader mabuti na lamang at marunong siyang umakyat sa punong- niyog ang iba pa. Nahirapan siya subalit natawa nang makatalon siya mula sa kabila kasabay ng pag- agos ng kanyang mga luha. Wala siyang sinayang na sandali matulin siyang tumakbo, walang lingon-likod. Naka- pokus lang siya sa daang kanyang tinatahak at ang kanyang tawa ay napalitan ng isang matamis na ngiti. Gumaan unti-unti ang kanyang dibdib, malaya na siya! Nagawa niyang makatakas sa lungga ni Anghel at nagpapasalamat siya sa mga taong nanlusob sa bahay nito. Dahil kung hindi sa kanila ay hindi siya mabibigyan ng pagkakataong tumakas at makalaya.

"What?! Hindi niyo mahanap si Maria? Papaano nangyari iyon kung ang sabi niyo ay nasa likuran niyo lamang siya!" Galit na galit si Anghel halos mapatid ang litid sa leeg nito.

Lahat ay nakatungo, may mga sugatan kasama na sina Lala at Mimi kaya hindi nila naabutan si Maria. Good thing at nakatawag sila agad ng back up kaya walang nalagas sa kanila.

"Sorry boss ," magkakasabay na sabi nang lahat.

Halos mabingi sila sa pagpapaputok ni Anghel sa kanyang baril. Nag- iigting ang mga panga nito at nagkakaumpugan ang kanyang mga ngipin. Kapagkuwan ay mariin itong napapikit halatang kinakalma nito ang sarili.

"Hanapin niyo siya! Kahit saang lupalop ng lupa siya naroon naiintindihan niyo ba? Akin lang si Maria, akin lang siya!" Pasigaw ngunit mariing wika nito sa nag- aapoy na kanyang mga mata.

"Masusunod boss!" Sabay-sabay na sagot ng lahat at kumilos na ang iba upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Maria.

"Hindi niya gamay ang lugar na ito, tiyak malilito siya at hindi makakalayo nang ganoon lamang. Ang iba, balikan ang kanyang Tiyuhin at magmanman doon baka bumalik siya. Iyong iba sa kanyang mga kaibigan at sa bahay ng kanyang kasintahan!" Muling bilin pa ni Anghel.

"Gab, paano ang mga sugatan?"

Tanong naman ni Pilo.

Marahas na humarap si Anghel kay Pilo at sinampal niya ito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag na huwag mo akong tatawagin sa tunay kong pangalan?" Galit nitong sita.

Napatungo naman si Pilo hindi nito namamalayang nabigkas pala niya ang tunay na pangalan ng kanilang Amo. Mahigpit na ipinagbabawal iyon ni Anghel lalo na sa harapan ng ibang tao. Subalit iyon na kasi ang nakasanayan nilang lahat kung kaya't naninibago pa rin sila hanggang sa mga oras na iyon.

"Pasensya ka na boss, hindi na mauulit pa." Hinging paumanhin ni Pilo.

"Talagang hindi na mauulit pa dahil puputulin ko na ang iyong dila kapag inulit mo pa." Pagbabanta ni Anghel.

Tumango-tango naman si Pilo.

"Ang mga sugatan dalhin kay Dok Wally ngayon din." Kapagkuwan ay bilin ni Anghel.

Mabibilis namang kumilos ang iba pa, kinuha naman ni Anghel ang mobile phone nito at nag- dial. Lumayo ito nang bahagya sa kanyang mga tauhan nang sumagot na ang taong kanyang tinawagan.

Samantala, pagod na pagod na si Maria sa kanyang kakatakbo. Uhaw na uhaw na din ito at hinihingal hindi kasi ito huminto maski saglit sa kanyang pagtakbo makalayo lamang siya sa bahay ni Anghel. Kabundukan ang una niyang natungo ngunit nasulyapan niya ang kanyang kaliwa at tila may naaninag siyang kalsada kaya nag- iba siya ng direksyon. At hindi nga ito nagkamali kalsada iyon at alam niyang madalang lang mga nadaan na sasakyan. Subalit sinubukan niya pa ring maghintay sa pamamagitan ng paglalakad niya nang mabagal. Palingon-lingon siya sa kanyang likuran baka sakaling may sasakyang darating. Maski sa kanyang harapan ang mahalaga sa kanya ay makasakay at makalayo nang tuluyan sa kanyang pinanggalingan.

Tumigil saglit si Maria at inisip niyang mabuti kung saang direksyon ba talaga siya dapat papunta at mag- abang ng kanyang sasakyan. Napausal siya ng dasal at humingi ng tulong mula sa Diyos at ituro sa kanya ang tamang daan pabalik sa kanilang lugar. Nabuhayan nang loob si Maria nang makita nitong may paparating na sasakyan agad niya itong pinara. Talagang tumayo siya sa gitna para no choice ang driver kung hindi ang huminto.

"Manong please tulungan niyo po ako puwede po ba akong makisakay sa truck niyo?" Pagmamakaawa ni Maria sa driver ng truck.

Naglalaman iyon ng mga gulay at prutas malamang dadalhin ito sa mas malawak na pamilihan.

Nag- alangan ang driver at tiningnan pa si Maria mula ulo hanggang paa. Matanda na ang driver natanaw din ni Maria na mat kasama din itong matandang babae.

"Hindi ho ako masamang tao nagmamakaawa po ako sa inyo. Kinidnap po ako at nakatakas hindi ko alam kung anong lugar ito." Napaluha nang sabi ni Maria.

Nakita nang dalaga na nagkatinginan ang marahil ay mag- asawa. Saka malungkot na muling tumingin ang matandang lalaki kay Maria.

"Saang lugar ka patungo?" Tanong ng matanda.

"Sa San Sebastian po," mabilis na sagot ni Maria.

"Doon din ang punta namin magde-deliver sa bayan." Tugon ng matanda.

Anong tuwa ang nadama ni Maria dininig ng Diyos ang kanyang panalangin.

"Sumampa ka na sa likod magtago ka doon may check point kasi diyan malapit dito bago natin malagpasan ang lugar na ito." Sabi pa ng matanda kay Maria.

"Talaga po?! Maraming salamat po hulog kayo ng langit," tuwang-tuwang bulalas ni Maria at nagmadali na itong sumampa sa likod ng truck.

Itinalukbong niya sa kanyang sarli ang trapal na naroon at sumiksik siya sa pagitan ng mga basket at kung ano- ano pang naroon. Sinigurado ni Maria na hindi siya makikita ng sino man sa likod ng truck. Nang maramdaman ni Maria na umandar na ang truck ay saka pa lamang ito nakahinga nang maluwag. Kasabay nang pagpunas niya sa kanyang mga luha ay sumilay ang ngiti sa labi niya kalakip ang pag- asang sana ay hindi na siya matagpuan pa ni Anghel kahit na kailan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 17: A New Job

    Hindi pa rin makapaniwala si Maria na napapayag siya ni Geoff sa alok nito sa kanya. Unang gabi at unang araw niya sa Mansyon ng binata at masasabi naman niyang okay siya doon. Katunayan nga ay biglang nag-iba ang pakikitungo ni Geoff kay Maria bagay na ipinagtataka ng dalaga. Ngunit kailangan pa rin niya ng ibayong pag-iingat lalo na at bagong kilala pa lang niya ang lalaki. Napag-isip- isip ni Maria na walang masama kung magtatrabaho siya kagaya ng alok sa kanya ni Geoff. Para sa kanya mas matiwasay na iyong trabaho kahit pa may pagka-delikado kaysa bumalik siya sa mga panahong laging kinakabahan at hindi makatulog ng maayos. Dahil sa pag-aakalang ano mang oras ay may dudukot sa kanya at ibalik siya kay Anghel. Kailangan niya ng makakapitang matibay para sa muli nilang pagkikita ni Anghel ay kampante na niyang harapin ito. Kailangan niyang matutong makipag-gamitan para makamit niya ang paghihihanting kanyang hinahangad."Did you sleep well?" tanong ni Geoff kay Maria habang sinusuot

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 16: Demanding Boss?

    Pagkabihis ni Maria at konting briefing ni Lilith ay agad na siyang sumabak sa kanyang trabaho bilang waitress sa may VIP room. Pagkatulak ni Maria sa pinto ng room ay agad niyang nakita doon ang kanilang boss, si Geoff. Saglit na napatigil si Geoff sa pagsasalita nito at nalaglag ang pangang tumingin kay Maria. Lahat nang naroon ay kay Maria nakatingin, at kitang-kita sa kanilang mga mata ang paghanga sa dalaga."Where has this angel come from Geoff?" Nakangising tanong ni Mr. Golfman kasososyo ni Geoff sa isa niyang negosyo.Napakurap-kurap naman si Geoff at napatikhim sabay ngiti kay Mr. Golfman."She's mine Mr. Golfman, my secret woman!" Matatag nitong sagot.Nadismaya naman ang mukha ni Mr. Golfman habang si Maria ay ilang na ilang sa mga taong naroon. Lalong-lalo na ang way ng kanilang pagtingin sa kanya alam niyang pagnanasa iyon. Kaya muli niyang naalala ang karanasan niya sa kamay ni Anghel. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili dahil bahagyang nanginig ang kanyang mga k

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 15: Tuluyan Nang Naligaw

    Urong sulong si Maria nang makarating na sila sa club na pinapasukan ni Gia. Manghang -mangha naman si Maria dahil hindi lang basta -basta club iyon. Napakalaki ng club na iyon, may pasugalan, VIP rooms na inuman, sayawan, bar at meron ding kwartong aliwan. Halos hindi makahinga si Maria dahil sa ingay, dami ng tao, malakas na tugtog at higit sa lahat mga usok maging ang mga iba't-ibang amoy na naroon. Bigla tuloy sumakit ang ulo ni Maria at medyo nahihilo siya sa iba't-ibang kulay ng mga ilaw lalo na at patay sindi ang mga iyon."Masasanay ka din kapag nagtagal-tagal ka dito. Tara na muna sa suite ni boss para makilatis ka niya!" Sigaw ni Gia kay Maria.Tumango na lamang si Maria kahit pa hindi nito naiintindihan ang mga iba pang sinabi sa kanya ni Gia. Nagpatinaod na lamang siya sa paghila sa kanya ni Gia hanggang sa humina na ang tugtog sa pandinig ni Maria. Umakyat kasi sila sa second floor at tumigil sa may malawak na kwarto na may tatlong lalaking nakabantay."Anong sadya mo ka

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 14: A New Maria?

    Mabilis lumipas ang tatlong buwan pero hindi pa rin makapag-desisyon si Maria. Tinatalo pa rin siya ng kanyang galit at takot, pangamba at pag-aalinlangan. Kaya sa dami ng messages at tawag ni Heidi maski isa ay wala siyang reply. Marami ding photos na naka-send sa kanya, mula isang buwan hanggang tatlong buwan na pictures ni Angelo. Pero hindi niya magawang buksan iyon basta nilagay na lang niya sa saved photos. Hindi pa siya handa at mas lalong wala pa siyang lakas ng loob.Papaubos na din ang kanyang natitirang pera dahil ang malaking perang tinangay niya, binigay niya lahat kay Heidi. Ayaw niyang mamoblema ito sa pera para kay Angelo hindi bale sa kanya kaya niyang magtrabaho. Kinailangan niya lang palipasin ang pamamaga ng kanyang dalawang suso dahil sa kanyang panganganak.Lumipat din siya ng kanyang apartment ng lumaki na ang kanyang tiyan. Ayaw niyang malaman ng mga bago niyang kakilala na nagbuntis siya at walang ama ang bata."Mary?" Anang ng isang boses.Paglingon ni Maria

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 13: She Gave Birth!

    Napakiusapan din sa wakas ni Heidi si Maria na huwag ng ipapalaglag ang bata sa sinapupunan nito. Nagkasundo silang dalawa na kukunin nga ni Heidi ang bata pagkapanganak ni Maria at ilalayo niya ito sa kaibigan. Pumayag si Maria dahil talagang hindi nito kayang tingnan ang batang kanyang iluluwal. Lalong-lalo na ang marinig nito ang iyak man lang ng sanggol o kaya ay hawakan. Maging ang pag-iyak nang sanggol ay ayaw marinig ni Maria kung puwede lang.Mabilis na lumipas ang nga buwan. Sa kabila ng unwanted pregnancy ni ni Maria ay sinunod niya pa rin ang nga dapat na gawin ng isang buntis. At dahil iyon sa gabay ni Heidi at pagiging maintindihin nito sa kanyang kaibigan. Lahat nang makapagpapasaya at makakalibang kay Maria ay ginawa ni Heidi. Huwag lang maging bugnutin at magagalitin ang kanyang kaibigan."Ouch!" Biglang daing ni Maria sa biglang pagsakit ng kanyang tiyan na tumagal ng five minutes.Agad namang nataranta si Heidi sa biglang pagkadama ng kanyang kaibigan ng sakit sa ti

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 12: Two Dragons

    Hindi alam ni Maria kung ano ang mararamdaman niya ngayong pupuntahan na siya ni Heidi. Pero naroon pa rin ang kagustuhan niyang ipalaglag ang batang nasa kanyang sinapupunan. Hindi siya mapalagay at mas lalong hindi siya makatulog. Last na update ni Heidi sa kanya ay nakasakay na ito ng bus papuntang Manila. At kailangan niya itong sunduin sa may terminal ng bus para sabay na silang bumalik ng kanyang apartment. Samut-sari ang nasa isipan ni Maria sa pagdating ni Heidi sa Manila upang damayan siya.Napabalikwas nang bangon si Maria nang tumunog ang kanyang selpon. Pagsipat niya sa orasan ay alas singko na nang umaga at si Heidi ang tumatawag."Nandito na ako sa terminal nasaan ka? Bilisan mo pakiramdam ko may nagmamatyag sa akin," halos pabulong na sabi ni Heidi.Naalarma naman si Maria at tuluyan na itong bumangon saka nagsuot ng hood jacket. "Diyan ka lang hintayin mo ako. Huwag kang papahalatang alam mo ng may nagmamatyag sa'yo. Nakasuot ako ng green na hoodie jacket tatawagan na

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 7: A New Chapter

    "Miss, terminal na tayo!" Ang konduktor ginigising na niya si Maria na napasarap ng kanyang tulog sa buong biyahe.Noon lang kasi muling napanatag ang kalooban nito sa tanang ng kanyang buhay. Agad namang nagmulat si Maria at umayos ito nang upo. Pagtingin niya sa loob ng bus ay nagsisibabaan na an

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 6: Panibagong Pag-asa

    Napadilat si Maria nang may kumalampag sa gilid ng truck. Hindi nito namalayan na nakaidlip pala siya sa kanilang biyahe. Dahan- dahang inalis ni Maria ang trapal na nakabalot sa kanyang katawan."San Sebastian na tayo hija, bumaba ka na diyan. Hanggang dito na lamang ang aming maitutulong sa'yo!"

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 4: Trapped

    Mugto ang mga mata ni Maria dahil sa kakaiyak nito. Hanggang sa dumating ang puntong wala ng luha ang lumalabas mula sa kanyang mga mata. Naubos na, pati mga mata nito ay napagod na sa kakaiyak niya. Kakatapos na naman siyang gamitin ni Anghel sa iba't-ibang posisyon. Subalit ang tumatak sa isipan

  • THE BILLIONAIRE'S UNHOLY WOMAN   Chapter 3: Losing Hope

    Napakurap-kurap si Maria nang magmulat ito, nakita niyang alas onse na ng umaga. Mabagal ang galaw nitong bumangon, wala na ang kanyang piring subalit hindi naman ito makaalis sa kwartong kinaroroonan niya. At ang pinakamasakit, ilang ulit itong inangkin ni Anghel. Kahit nagmamakaawa na si Maria da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status