Sa sandaling tinulak ko ang pintuang salamin ng Starbucks, sinalubong agad ako ng amoy ng bagong giling na kape. Makapal, mainit, at parang yakap na nagmumula sa bawat tasa. Sa loob, naghalo ang mga tunog ng espresso machine na humuhuni, mga tasa’t takip na kumakalansing, at ang mababang boses ng mga taong nagsasalita tungkol sa trabaho, pag-ibig, o kung ano man ang bumabagabag sa kanila ngayong araw.“Dito tayo,” ani Micah sa akin habang may dalang laptop, sabay turo sa mesa sa tabi ng bintanang nilalatagan ng liwanag ng hapon. Umupo kami, at saglit kong minamasdan ang paligid. Sa kanan ko, may babaeng mag-isa, nakayuko sa libro, at sa bawat higop niya ng kape, tila may ginugunita siyang alaala. Sa kaliwa, may magkasintahang nagtatawanan, parang walang ibang mundo kundi silang dalawa lamang, nasabi ko na lamang sa sarili. Sana all.Sa counter, ngumiti ang barista habang tinatawag ang mga pangalan. “Caramel Macchiato for Liza! Iced Americano for Mark!” At sandaling naging musika iyon
Baca selengkapnya