TRICIA'S POV “Byee Onyx!”magiliw kong paalam, habang nakatingin ni Onyx na naka upo na sa driver seat ng kanyang kotse. Kanina kasi habang sumayaw kami, napahinto kami ng merong tumawag sa kanya. Emergency daw, kaya hinatid ko nalang siya sa exit. Uuwi narin ako maya-maya, pero hanapin ko pa muna si Mrs Montelibano, para magpaalam dito. Nakakahiya naman kasi na basta na lang akong umuwi ng walang pasabi.Napahawak ako sa aking ulo, ng bahagyang umikot ang aking paningin. Kukurap-kurap ako, at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Dahil parang sumama bigla ang aking pakiramdam. Siguro sa alak na iniinom ko, pero hindi ko maiwasang mapa-isip, hindi ito ang first time na uminom ako ng alak. Kaya nagtataka talaga ako.“So, kayo na?!”napaigtad ako sa matigas na boses ni Zypeir, na nasa aking likuran. Pumihit ako upang harapin ito. Sumalubong sa aking paningin ang namumula niya'ng mukha at mapungay ang mata na tumingin sa akin, habang umiigting ang kanyang panga, na tila ba nagpipigil
続きを読む