"Venus, tara manuod tayo ng practice game." Pagyaya sa 'kin ni Melody, kakatapos lang ng last period namin at ibinabalik ko pa lang ang mga gamit sa loob ng aking bag. May dalawang linggo na rin simula nang mag-umpisa ang pasukan at tanging si Melody pa lang ang naging kaclose ko dito. Para kasing iniiwasan ako ng iba pa naming mga kaklaseng babae. "Kunware lang naman 'yan na mabait, alam mo ba ang sabi ni Ate, natanggal daw si Ate Celine sa mansyon dahil sa kagagawan ni Venus, spoiled brat." My eyes shifted towards the direction of those girls whose whispering things about me. Hindi nga ata 'yon pabulong dahil rinig na rinig ko naman. Its my fault, I acknowledge that but Celine is at fault too. Bakit ako lang ang lumalabas na masama? She provoked me! Kaagad na niyaya ni Leanne ang tatlo pa naming kaklaseng babae na umalis na matapos magtama ng mga mata namin. She shamelessly rolled her eyes on me and step outside. Napabuntong hininga na lang ako bago ipinagpatuloy ang ginagaga
Read more