THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG) BOOK IICHAPTER 28 KEITH POV“Bakit mo siya kasama?” Tanong ni Jenny, kaya umirap ako sa kanya, at nilapitan siya. “Kumusta ka Tita, na-miss mo ba ako?” Mapang-asar na wika ko sa kanya, habang binulungan siya. Hindi naman siya makapaniwala na tumingin sa akin, dahil sa sinabi ko. “Simula ngayon, ay rito na ulit titira si Keith.” Wika ni Daddy Mateo, habang hinawakan ko ang kamay niya. “Dad, ayaw niya yata na nandito ako..” Malambing na wika ko kay Daddy, habang mapang-asar na tiningnan si Jenny. “Jenny, alam mo na noon pa man ay kasama ko na si Keith.” “Alam ko ‘yon, at hindi ako tumututol sa gusto mo Mateo..” Wika niya kay Daddy, habang napa-kuyom ako sa kamao ko, nang bigla niya nalang halikan si Daddy Mateo sa labi nito. Hindi ko mapigilan na mas lalo pang mainis sa kanya, dahil sa tingin niya sa akin. Mukhang hindi nga siya papatalo, kaya mas lalo ko pang galingan, para tuluyan na siyang umalis dito. “Dad, gutom na ako, gusto kong kumain
Last Updated : 2026-09-11 Read more