"Saan ba ang tumbok nito Wilson,?" Tanong ng halos hindi na makahakbang na si Don Dante habang sapo sapo nito ang kanyang dibdib. " Hindi ko na kaya, buhatin nyo ako, tutal boss nyo pa rin ako".Isang napakatalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni P02 Luis na maging ang kapwa pulis nitong si P02 Amante ay nabahag ang buntot. "Baka nakakalimutan mo Don Dante" mariing tanong nito. "Marami sa kasamahan ko, sa mga malalapit na kaibigan ko sa kapulisan ang pinaligpit mo, kung tutuusin kaya kitang patayin dito ngayon din.""Sa baybayin ng dagat," pagputol ni Wilson sa tensyonadong eksenang yun . "May naka abang na speed boat para makabalik tayo sa mansion, at gaya nang napag usapan maglalaho kayo paglabas nyo doon at siguraduhin nyong hindi ko kayo mahahanap.""Pano mo ba nakuha ang kiliti ng anak kong yan hah Wilson?," Tanong ni Don Dante sa head security nito. "Malaki ba ang t*ti mo at nagayuma ng t*mod mo ang unica hija ko.""Tapat ako sa kanya at hindi ako pumapalpak sa trabaho ko Don
더 보기