Cailin's POV"Rusquen, let go of my arm," I hissed, bawat salita ay parang may kasamang talim. Kakaiba kasi talaga siya. Patay na patay sa akin! Dinakma ba naman ang braso ko. Pustahan, muntik nang maalog ang hinaharap ko na target sana niya, pero sumala lang dahil sa gigil niya. Ganoon siya katindi! Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya, ang mga daliri niyang tila ba inaangkin ang balat ko. Hindi ko ma-get kung bakit ginugulo niya pa ako, eh marami namang mayayaman na mas masarap tingnan kaysa sa akin! Sa paligid namin, ang mga kobyertos ng mga elite ay patuloy sa pagtunog, oblivious sa silent war na nangyayari sa corner table na ito. He didn’t budge. Sa halip, lalo siyang lumapit, at ang mabahong amoy ng kanyang obsesyon ay tila nanunuot sa bawat hininga ko. "You think you can just walk away, Cailin? Sa akin lahat galing ang suot mo!" Hindi ko siya magawang tawaging makapal ang mukha dahil tama nga naman siya. Nagkataon na siya ang bumili ng heels, hikaw, at bag ko. Muntik na
Read more