KIEL'S POV Isang matinding lungkot at dismaya ang naramdaman ko nang marinig ang pag uusap ni Don Teodoro at ng nobyo ni Alice na si Mikael nang pumunta ako sa silid nya para sabihing magpapahinga na ako. Half day pa lang at agad na nayari ko na ang mga utos sa akin."Oh did you have a good sleep together?," magiliw na tanong ng matanda sa kanya. Botong boto ito sa pakakasalan ng kanyang anak na babae. Marahil ay magandang lalaki din ito at mayaman, hindi gaya ko na ang aking itay, kaptid, kalabaw, ilang kambing at mahigit isang ektaryang lupa lang ang natatanging itinuturing na yaman. Hindi ko alam bakit ko ikinukumpara ang aking sarili sa mapapangasawa ng babaeng minsan ko nakasalo sa mala langit naming pagtatalik eh wala naman akong balak pumasok sa buhay nito. Kailanman hindi ako naghangad ng yaman at buhay na hindi ko kayang abutin, ngunit ngayon wala akong hinahong ninanais na masilayan muli si Alice na ilang buwan ng wala. May inis sa aking dibdib dahil habang napupuyat pa
最終更新日 : 2026-05-12 続きを読む