Mula sa labas ng salamin, malinaw na nakikita ni Elle sina Brandon at Janica na magkasamang nakaupo sa loob ng restaurant.Sa harap ng dalawa ay may mag-asawang nasa katamtamang gulang, kasama ang pamilyar na batang si Jaden.Madalas niyang makasalamuha ang tatlong iyon. Subalit ang mag-asawa...Sila ang kanyang tunay na ama na si Arthur, at ang kabit nitong si Brenda na matagal nang naging dahilan ng pagkasira ng marriage ng kanyang ina."Mga walang hiyang hayop!" gigil na sutsot ni Kate pagkalapit kay Elle, matapos ding makita sina Brandon at Janica sa loob.Kahit galit na galit si Kate, napansin niyang biglang namutla ang mukha ni Elle, kaya naman mabilis niya itong inakay patungo sa isang bakanteng lamesa sa kabilang bahagi ng restaurant para maupo."Alam ko na masakit pa rin sa iyo ang diborsyo ninyo ngayon, Elle. Normal lang iyan, matapos ang lahat, pitong taon din ang binuo ninyong pagsasama," pag-aalo ni Kate. Hindi siya ganoon kasensitibong tao kaya ito lamang ang tanging par
Read more