“Nakikiusap ako sa'yo, Draven... tama na. Dalawang beses na akong nasaktan. Pagod na pagod na ako...” umiiyak na wika ni Vera habang sunod-sunod na tumutulo ang kanyang mga luha. “Mommy?” Biglang napalingon silang dalawa nang marinig ang mahinang tinig ni Yannah. Nagising ang bata dahil sa hindi nila napansing pagtaas ng kanilang mga boses. Mabilis na pinunasan ni Vera ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti. Samantala, mariing napapikit si Draven bago tuluyang tumalikod. Wala siyang sinabi. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at lumabas ng silid. “Tito Draven?” Agad siyang tinawag ni Yannah nang makita itong papalabas, ngunit hindi na siya nilingon ng binata. Nagpatuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa tuluyang mawala sa paningin nila. “Mommy?” nagtatakang tawag muli ni Yannah. “Ayos lang ako, baby,” pilit na sagot ni Vera. Upang hindi mahalata ng anak ang kanyang pag-iyak, dali-dali siyang nagtungo sa banyo. Pagkasara ng pinto, saka niya muling pinakawalan ang mga lu
Read more