V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabahan, “wala po akong pambayad, saka kakaumpisa ko pa lang po ng trabaho—” “Psssstt…” putol niya habang bahagyang ngumiti. “Pumili ka na. Libre ko na ito.” Parang biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matutuwa. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng tindahan. Ang bawat damit na nakasabit ay tila mas mahal pa kaysa sa ilang buwang kinikita ko. Ilang oras ang lumipas, maingat akong namili hanggang sa napunta ang tingin ko sa isang simpleng dress. Hindi iyon ang pinakaengrande, pero para sa akin, iyon na ang pinakamahal na damit na nahawakan ko sa buong buhay ko. Nang maisuot ko iyon, halos hindi ako makapaniwala sa babaeng
آخر تحديث : 2026-05-17 اقرأ المزيد