“Savannah?” gulat na bungad ni Vera nang makita niya ito sa harap ng silid. “Oo, ako nga,” nakangiting sagot ni Savannah. “Napadaan lang ako para ihatid ito.” Iniabot niya ang kahong dala kay Vera. “Alam mo, mahal na mahal ka talaga ni Brooklyn. Kaya kung ako sa'yo, huwag mong sirain ang tiwalang ibinibigay niya sa'yo.” Bahagyang natigilan si Vera at napayuko. “Ah, siya nga pala,” dagdag ni Savannah. “Ito raw ang isusuot ninyo ng anak mo mamayang gabi sa Villareal Gala. Huwag kayong mahuhuli, okay?” Tinanggap ni Vera ang kahon at agad na napansin ang mamahaling pagkakabalot nito. “Pero... nakakahiya naman, nahihiyang saad niya. Napangiti si Savannah at marahang umiling. “Wala kang dapat ikahiya, Vera. Hindi ka na bisita rito. Para ka na ring bahagi ng pamilyang ito.” “Pero hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya.” “Hindi mo kailangang bumawi,” sagot ni Savannah. “Ang mahalaga, maging masaya ka at alagaan mo ang anak mo. Sigurado akong iyon lang din ang g
Read more