Kabanata 37 Samantha's Point of View Tuloy-tuloy ang panalo namin. Paulit-ulit nila akong pinupuri na swerte raw ako. "You have the magic touch," sabi ng isa. "I've never seen anyone win this many times in a row." "Beginner's luck," sagot ko na may halong hiya. "More like destiny," sabi naman ng matanda. Dahil nadala na rin sa sunod-sunod na panalo at sa papuri nila, unti-unting nawala ang aking pag-iingat. Nagsimula akong maniwala na baka nga swerte ako. Baka nga may kakaiba sa akin ngayong gabi. "I'll bet it all," sabi ko nang ibigay sa akin ang mga chips. Tumango ang matanda. "Bold move. I like it." Nagkaroon ng kakaibang liwanag ang kanyang mga mata—isang liwanag na hindi ko napansin dahil sa aking pagkagulat sa sunud-sunod na panalo. Inihayag ang mga baraha. Namilog ang mga mata ko nang makitang ako ang natalo sa laro. Ang 500,000 dollars na napanalunan ko ay naglaho sa isang iglap. Parang isang panaginip na biglang naging bangungot. "Ah, that's unfortunate," sabi ng
Read more