Chapter 42Natigilan si Pierre. Hindi siya nito nakikilala? Mukhang hindi na natandaan ni Mr. Alonzo ang pangalan niya noong araw na iyon.Kung sabagay, binibigyan niya lang naman ng pagkakataon at mukha si Mr. Alonzo. Ngunit dahil hindi ito tinanggap ng kabilang panig, hindi na rin mag-aaksaya ng laway si Pierre."Kung ganoon ang usapan, kalimutan na lang natin," seryosong saad ni Pierre."Sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lang. Walang sinumang wawasak sa shop ko! At hindi ako sasama kahit kanino!" dugtong niya habang nakatitig sa kanila nang may malamig na determinasyon."Sino mang magtangkang humawak sa akin o sa klinika ko, ako mismo, si Pierre, ang magpaparalisa sa kanila. Tinutupad ko ang mga sinasabi ko," kaswal na banta niya na parang umiinom lang ng tubig.Gumapang ang kilabot kina Walter at Tito, ngunit agad naman silang bumahakhak nang marealize ang sinabi ng binata."Hahaha! Nagbibiro ka ba? Sino ka ba sa palagay mo? Opisyal ng Ciudad de Oro?" pang-uuyam ni Walter habang na
Magbasa pa