Share

C-4

last update publish date: 2026-05-20 14:38:41

ALMARIE GRACE

“Ano ba ako para sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.

“Ikaw ay–”

“Ay ano? Siguraduhin mo na maganda ang sasabihin mo sa akin,” sabi ko sa kanya.

“Ikaw ang pinakamahalaga na pangit sa buhay ko,” sabi niya kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin.

“Alam mo, nakakainis ka na talaga. Akala mo naman ang guwapo mo,” sabi ko sa kanya dahil talagang nilalait na talaga niya ako. Sa ganda kong ito, ako ang pinakamahalagang pangit niya.

“Guwapo naman talaga ako. Malabo lang kasi ang mga mata mo,”  nakangisi na sabi pa niya sa akin.

“Excuse me, mas marami ang guwapo sa school at ikaw ordinary na lang ang mukha mo,” sabi ko sa kanya na naging dahilan para kumunot ang noo niya at mawala na ang guwapo niyang ngiti.

“Akala ko ba ako ang pinakaguwapo para sa ‘yo?” tanong niya sa akin.

“Noon ‘yon, ninong. Akala ko kasi ikaw, pero mali pala ako. Mas marami pala ang guwapo dito sa US kaysa sa Pinas,” pang-aasar ko sa kanya.

“Uuwi na pala ako sa Pilipinas, hindi na pala ako,” parang bata na nagtatampo na sabi niya.

“Ako nga hindi nagtatampo na pangit ako sa paningin mo tapos ikaw itong parang bata na nagtatampo,” sabi ko sa kanya.

“Nagbibiro lang naman ako pero ikaw itong–”

“‘Wag ka ng magtampo. Nagpapalambing ka na naman,” sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.

“Nagtatampo talaga ako,” sabi niya sa akin kaya naman hahalikan ko na naman siya sa pisngi pero nagulat ako dahil bigla na lang siyang humarap sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na ito ang mangyayari. Na mahahalikan ko siya sa lips mismo. Halatang nagulat rin siya sa nangyayari sa amin ngayon. Tinulak ko siya at nawalan naman siya ng balanse kaya natumaba siya at kasama niya ako.

Kaya naman hanggang ngayon ay magkadikit pa rin ang mga labi naming dalawa. Hindi ko na alam kung paano ba ako babangon dito. Parang ang bigat ng katawan ko. Parang hindi ko kayang lumayo sa kanya dahil parang naging magnet na kaming dalawa na magkadikit.

Hanggang sa bigla ko na lang naramdaman na gumalaw ang labi niya. Hindi ko ito inaasahan kaya naman para pigilan siya ay mahina kung pinalo ang balikat niya na naging dahilan para tumigil siya. Mapungay ang mga mata kaya mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko hanggang sa bigla na lang akong sininok. 

Sunod-sunod pa naman kaya nagmamadali akong bumangon at umalis sa ibabaw niya. Hindi ko na siya tinanong kung nasaktan ba siya o hindi dahil ako itong hindi makapaniwala sa nangyayari. Patuloy pa rin ang pagsinok ko at naiinis na ako kaya tumakbo na ako.

“Bakit? Bakit pa nangyari ‘yon? Paano na ngayon? Paano ko na siya kakausapin? Lord, bakit po hinayaan mo na maglapat ang mga labi naming dalawa? Ninong ko po siya, ninong ko po.”

Mabilis akong pumasok sa room ko at padapa akong humiga sa kama ko habang panay pa rin ang sinok ko. Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala na nag-kiss kaming dalawa. Hindi talaga, nakakaloka naman kasi talaga itong mga nangyayari na ito ngayon sa aming dalawa. Parang ayaw ko na tuloy lumabas dito sa room ko. Parang gusto ko na lang na maging bilanggo dito.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ako dito at nakadapa lang ako. Paulit-ulit na nagpiplay sa utak ko ang nangyari kanina. At paulit-ulit na nanghihina ang mga tuhod ko. Nanghihina sa kiss na nangyari sa aming dalawa. 

Sh*t! Ang lambot pa ng lips niya. Nakakainis naman na para bang nagustuhan ko ang ginawa namin. Pero mali kasi talaga. Mali, mali ang nangyari na ‘yon. Hindi dapat nangyari ‘yon.

“Baby, kakain na tayo,” narinig ko ang boses niya kaya nagkunwari akong tulog dahil hindi ko yata kaya na humarap sa kanya.

“Baby, alam ko na hindi ka talaga tulog. Stop pretending dahil hindi mo magugustuhan kapag nagpanggap ka pa,” sabi niya sa akin pero nanatili lang ako sa pagpikit hanggang sa naramdaman ko na may humiga sa tabi ko.

“Ayaw mo pa bang bumangon? Gusto mo pa bang i-kiss pa kita ulit?” tanong niya sa akin kaya naman nanlaki na ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kanya.

“Sabi ko nga nagugutom na ako,” sabi ko at bumangon na agad ako.

Mukhang may bagong pang-asar pa siya sa akin at dahil ‘yon sa accidental kiss na ‘yon. Kasalanan ko rin kasi eh. Bakit ba kasi ako sanay na suyuin siya gamit ang kiss? Bakit ba kasi ako gano’n?

“Takot ka naman pala eh,” sabi niya sa akin at tumawa pa siya ng malakas.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil lumabas na ako at pumunta na ako sa may dining area. Nang makarating na ako ay nagulat ako dahil ang daming pagkain. 

“Bakit ang daming pagkain?” tanong ko sa kanya.

“Nag-order na lang ako. Hindi na kasi talagang kaya ‘yong niluto ko,” sagot niya sa akin kaya nakatingin lang ako sa kanya.

“Kain na tayo, nagutom ako sa paglilinis sa mga talsik ng mantika,” sabi niya at umupo na siya.

Umupo na rin ako. Siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko at ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

“Gusto mo pa ba na subuan kita?” nakangisi na tanong niya sa akin.

Mukhang hindi naman big deal sa kanya ang tungkol sa nangyaring kiss kaya siguro ay kailangan na manahimik na lang rin ako. Nagsimula na akong kumain at ngayon ay siya naman itong panay ang tingin sa akin.

“Kumain ka na po o baka naman gusto mo rin na  subuan pa kita?” sabi ko sa kanya.

“Ahh,” sabi niya at nagpapasubo nga talaga siya kaya sinubuan ko naman siya.

Itong lalaking ito kahit pa matanda na ay gustong-gusto niya talaga na nilalambing siya. Ako naman ay kumain na rin at huli na para ma realized ko na iisang kutsara lang pala ang ginamit naming dalawa. Nagkunwari na lang ako na okay lang kahit ang totoo ay gusto ko na talagang palitan ang ginagamit kong kutsara.

Marami ang pagkain at lahat pa paborito ko kaya naman naparami ang kain ko. Aaminin ko na kahinaan ko talaga ang pagkain pero hindi naman ako tumataba. Sadyang mahilig lang akong kumain at sobrang bilis kong makuha kapag pagkain ang usapan. Kapag nga nag-aaway kami ng kaibigan ko ay pagkain rin ang panuyo niya sa akin. 

“Tapos ka na?” tanong sa akin ni ninong.

“Busog na ako, hindi ko na kaya,” sabi ko sa kanya.

“Okay, ako na ang bahala dito,” sabi niya sa akin.

“Ako na po, ninong. Madali lang naman ito,” sabi ko sa kanya.

“Okay, tulungan na lang kita,” sabi niya sa akin at nagulat naman ako dahil nasa likuran ko na siya.

“N–Ninong, ako na lang po,” sabi ko sa kanya.

“Tulungan na lang kita para matapos na tayo,” sabi niya sa akin kaya hinayaan ko na lang siya.

Ewan ko ba, bakit ba may kakaiba akong nararamdaman ngayon. Nakakaramdam na ako ng pagkailang sa kanya. Dahil kaya ito sa kiss kanina? O baka ako lang talaga ang nagbibigay ng kahulugan sa hindi naman dapat. Alam ko naman sa sarili ko na aksidente lang ang nangyari kanina. Pero masyado akong apektado sa kiss namin. O baka naman gusto ko pa ulit? Oh my gosh! Ano ba naman itong iniisip ko?

“Okay ka lang ba, baby?” pabulong na tanong niya sa akin kaya ako na naman itong sinisinok na naman.

“O–Okay lang ako, n-ninong,” sinisinok na sagot ko sa kanya.

“Sinisinok ka na naman,” sabi niya sa akin.

“Hindi ko alam kung bakit,” sabi ko naman sa kanya.

“Alam mo ba ang gamot d’yan?”

“Hindi ko alam. Alam mo ba?” tanong ko sa kanya.

“Yes, baby,” sagot niya sa akin kaya naman humarap ako sa kanya.

“Ano po, ninong?” tanong ko sa kanya at nagulat ako dahil…

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ang harot ng lola mo thank you author
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
hays sasabihin ko na sana love na kita ninong senator kaya lng may ninong governor na ako.........
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
para-paraan mo ninong hahahaha kiss ba uli ang gamot sa sinok
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • NINONG SENATOR (SPG)   C-6

    ALMARIE GRACE“Ninong, bakit parang mas strict ka pa sa kuya mo?”“Strict talaga ako. Ayaw ko na–”“Na ano?” tanong ko sa kanya pero nagulat na lang ako dahil bigla na lang nakalapat ang labi niya sa labi ko.Hinalikan na naman niya ako. Ano ba kasi talaga ang nangyayari sa lalaking ito? Bakit ba niya ito ginagawa? Gusto ba niya na harotin ko rin siya? Oh my gosh! Kaya ko ba? Kaya ko ba siyang landiin eh ninong ko siya? Pero wala na eh, ganito na kaming dalawa. Nakalapat na ang labi namin at kahit pa hindi ako tumugon ay gumagalaw na ang labi niya. Akmang tutugon na ako pero tumigil naman siya.“Everytime na isipin mo na magpahalik sa iba ay sana maalala mo na strict ako. Magagalit ako, AG,” sabi niya sa akin at ang pungay ng mga mata niya. Ngayon lang niya ulit ako tinawag sa nickname ko.“M–Manood na nga lang tayo ng movie,” sabi ko sa kanya at kinuha ko na ang remote ng tv dahil gusto ko na lang na hindi pansinin ang sinabi niya. Ayaw ko kasing bigyan ng ibang kahulugan.“Why are y

  • NINONG SENATOR (SPG)   C-5

    ALMARIE GRACE“Alam mo ba ang gamot d’yan?”“Hindi ko alam. Alam mo ba?” tanong ko sa kanya.“Yes, baby,” sagot niya sa akin kaya naman humarap ako sa kanya.“Ano po, ninong?” tanong ko sa kanya at nagulat ako dahil bigla na lang niyang hinalikan ang labi ko.Ito ba? Ito ba ang sinasabi niya na gamot sa hiccups ko? So, ibig bang sabihin ay ganito ang gagawin ko lagi kapag sinisinok ako? Oh my gosh! Hindi puwede! Baka kung sino na lang ang hahalikan ko if ever na sinisinok ako. Gumalaw ang lips niya kaya natataranta na naman ako dahil hindi dapat ito nangyayari. Hindi namin dapat ginagawa ito. Paano na lang kung magustuhan ko na ang kiss niya? Paano kong magtuloy-tuloy ito? Saan ito papunta? Ayaw ko! Ayaw kong isipin ang ganito.Gusto ko naman siyang itulak pero hindi ko naman magawa. Kasi naman nanghihina naman ang mga tuhod ko sa kiss na ito. Paano ba ako makakaalis dito? Paano ko ba siya patitigilin? Para kasing iba na itong ginagawa niya ngayon. Nag-iiba na kasi ang galaw ng labi n

  • NINONG SENATOR (SPG)   C-4

    ALMARIE GRACE“Ano ba ako para sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Ikaw ay–”“Ay ano? Siguraduhin mo na maganda ang sasabihin mo sa akin,” sabi ko sa kanya.“Ikaw ang pinakamahalaga na pangit sa buhay ko,” sabi niya kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin.“Alam mo, nakakainis ka na talaga. Akala mo naman ang guwapo mo,” sabi ko sa kanya dahil talagang nilalait na talaga niya ako. Sa ganda kong ito, ako ang pinakamahalagang pangit niya.“Guwapo naman talaga ako. Malabo lang kasi ang mga mata mo,” nakangisi na sabi pa niya sa akin.“Excuse me, mas marami ang guwapo sa school at ikaw ordinary na lang ang mukha mo,” sabi ko sa kanya na naging dahilan para kumunot ang noo niya at mawala na ang guwapo niyang ngiti.“Akala ko ba ako ang pinakaguwapo para sa ‘yo?” tanong niya sa akin.“Noon ‘yon, ninong. Akala ko kasi ikaw, pero mali pala ako. Mas marami pala ang guwapo dito sa US kaysa sa Pinas,” pang-aasar ko sa kanya.“Uuwi na pala ako sa Pilipinas, hindi na pala ako,” parang bata na nagtatam

  • NINONG SENATOR (SPG)   C-3

    ALMARIE GRACEMasarap ang meryenda ko at naubos ko ito agad. Lumabas naman ako para silipin kung ano ba ang ginagawa ng ninong ko ngayon. Nandito pa lang ako sa bungad ng kitchen ay napatigil na ako. Nagluluto na ang ninong ko and he’s topless. Flex na flex talaga ang muscles niya at ang maganda niyang katawan.Bata pa naman kasi siya at maalaga rin sa katawan kaya talagang maganda ang resulta. May mga lumalabas minsan sa social media na mga news tungkol sa mga babae na nali-link sa kanya at mga beauty queen pa ang mga iba.“Baka maubos na ako niyan?” tanong niya sa akin kaya huling-huli ako na nakatingin ako sa kanya.“Bakit ka kasi naka-topless? Alam mo naman na may dalaga ka ng kasama,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Dalaga ka pala? Akala ko kasi ay binata ka,” sabi niya kaya maang naman akong nakatingin sa kanya.“Lalaki pala ang tingin mo sa akin?” tanong ko sa kanya.“Just kidding,” nakangisi na sabi niya at ginulo pa niya ang buhok ko.Ako naman itong nakatingin lang sa kanya dah

  • NINONG SENATOR (SPG)   C-2

    ALMARIE GRACE“So, may nagugustuhan ka na?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.“Meron na po, it’s normal po, ninong. At isa pa dalaga na po ako,” sabi ko sa kanya.“Alam ba ito ng mommy mo?” nakakunot na ang noo na tanong niya sa akin.“Ninong it’s not that serious kaya kalma ka lang okay. Hindi naman kailangan na malaman ng mommy ko, wala pa akong balak na sagutin ang isa sa kanila,” sabi ko sa kanya dahil ang seryoso niya talaga.“Bata ka pa at hindi pa puwede,” sabi niya sa akin.“Eh, ikaw nga matanda na pero single pa rin. Bakit hindi ka pa nag-aasawa?” tanong ko sa kanya.“Gusto mo na ba na mag-asawa ako?”“Bakit ako ang tinatanong mo?” nakanguso na tanong ko sa kanya.“Gusto ko lang malaman ang sagot mo,” sagot niya sa akin.“Hindi ko alam. Pero kung gusto mo na ay bahala ka,” sabi ko sa kanya at nagulat naman ako ng bigla na lang niya akong binuhat na ikinagulat ko.“Kapag nag-asawa na ako ay hindi na ikaw ang baby ko,” sabi niya sa akin kaya tumawa ako.“Dapat

  • NINONG SENATOR (SPG)   C-1

    WARNING MATURE CONTENT: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! ANG LAHAT PO NG NAKASAAD DITO AY KATHANG ISIP LAMANG!ALMARIE GRACE“Ninong!” Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang ninong ko.“Hi, pretty. I have a lot of pasalubong for you,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Thank you, ninong. Pero bakit hindi ka po nagsabi sa akin na dadalaw ka dito?” Tanong ko sa kanya sabay kiss sa pisngi niya.Malambing ang ninong ko kaya ganun rin ako sa kanya. “Biglaan lang kasi,” sagot niya sa akin.“Akala ko kasi hindi ka matutuloy sa bakasyon mo. Sabi mo kasi sa akin ay marami kang trabaho,” sabi ko sa kanya.“Tapos na at bakasyon na namin.”“So, ilang araw ka po dito? Magtatagal ka ba dito?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Can I stay here for a week? Or maybe a little longer,” tanong niya sa akin.“Of course, ninong. Malakas ka sa akin eh. Saka para hindi ka na gumastos pa. May vacant naman na isang room dito, doon ka na lang ulit. ‘Yun naman ang ginagamit mo lagi,” n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status