Nandito ako ngayon sa labas ng mansion. Inaabangan ko lumabas si Kuya Phoenix. Kailangan ko makuha ang USB na pinatago ko rito.Dali-daling bumaba ako nang makita ko ito palabas ng gate ang kan'yang kotse. Tumigil ang sasakyan ni Kuya at bumaba ito."Andra!" "K-Kuya." "God, baby!" lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit."Wait, Kuya. Hindi puwede ako magtagal. Kukunin ko lang ang USB." "A-Andra. D-dadalhin na si Mommy sa US. Doon gagawin ang pangalawang operasyon niya."Malungkot na tumingin ako kay Kuya Phoenix. "S-si Daddy?" "Nasa hospital siya ngayon. Pumasok muna tayo sa loob.""Hintayin na lang kita dito, Kuya. Kunin mo ang USB at aalis na ako.""A-Andra, please. Kailangan natin mag-usap. Marami ka dapat sasabihin sa akin."Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Kuya Phoenix. "Maraming sumusunod sa akin. Hindi ko alam kung sino-sino sila. Kuya, lalayo muna ako. Ayoko ka na pati kayo ni Daddy, madadamay din.""No! Kasama na kami. Please, baby. Nag-a
続きを読む