May napansin akong kumukuha ng litrato namin sa labas na sakay ng kotse pero binalewala ko muna yu dahil hiyang hiya ako sa sarili ko at nanliliit ako sa mg binibitawang salita ni Apollo. "Sino ka para sabihing ginagamit ko ang tatay ko na na depressed?". Hinarap ko sya. "Ohhh easy, baka mag drama ka na naman dito at siraan mo pati tong shop ko? maawa ka naman maliit lang ang café na to. Wala kang makukuha dito". Gusto kong mag walk out pero nasa isip ko kung pano ko bibitbitin ang mga pinamili kong napakaraming supot dahil nakalatag pa naman lahat yun sa sahig sa ilalim ng mesa ko. Tang inang buhay to bakit kase naisipan ko pang pumasok pasok dito. Tapos nataon pang break ng mga tao kaya dagsa ang mga employee sa building nila Apollo. Grabeng kahihiyan to. "Aalis na ako kung wala kang sasabihin, hindi masarap tong kape mo". Yun lang ang kaya kong insultuhin dahil wala akong mapupuna sa taong kagaya ni Apollo. Mayaman, gwapo, sobrang gwapo. Maging langaw at lamok ay mahihiy
Zuletzt aktualisiert : 2026-05-27 Mehr lesen