“Seriously, Scott?”Napaamang si Scott. Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Diana. Pinuproseso ng kanyang utak ang sinabi nito.Diana mockingly laughed at him. Humalukipkip siya habang nakatitig kay Scott. “What? Do you expect me to believe you?”Natulala si Scott. Hindi siya kaagad nakahuma.“Ano'ng tingin mo sa akin? Tanga? tanong pa ni Diana na hindi pa maitago ang inis. “Scott, hindi porket minahal kita rati ay mamahalin ulit kita ngayon. Sa sakit na pinaggagawa mo sa akin rati, sa tingin mo maniniwala agad ako sa kadramahan mo ngayon?” pang-uuyam pa niya'ng ani. “Ilang beses mo pinili si Chermund kompara sa akin. Ilang beses mo ako pinahiya sa harap ng maraming tao. Tapos ngayon sasabihin mo na nagsisisi ka sa pang-iwan mo sa akin?”Umismid si Diana. “Dàmn you, Scott. I mean it. Kung may nakilala man ako na makapal ang mukha, ikaw talaga ang number one sa listahan ko. Ulôl ka, ang lakas ng loob mo'ng mag-confess ngayon dahil lang pinayagan ulit kita na makalapit sa akin? News
Magbasa pa