LOGIN“Woy!”Aliw na aliw si Scott sa pinanood na video habang nakahiga sa couch nang biglang tinapik siya ni Diana sa balikat. Tumingala siya. Kumunot ang kanyang noo. Nilapag niya muna sa tiyan ang cellphone.“What?” Scott asked innocently.Naningkit ang mata ni Diana. Nameywang siya habang tinitignan si Scott. “Ano'ng what? Woy! Baka gusto mong bumalik sa suite mo?"“Tch!” Binalik ni Scott ang atensiyon niya sa cellphone. “I'll stay here. You need someone to talk to, so I'm staying. I'm here to keep you company.”“Ganoon?!” usal ni Diana habang namamanghang tinitigan si Scott. “Sino'ng may sabi sa'yo na kailangan ko ng kasama rito?”“Ako,” walang abog na sabi ni Scott.Tumikyas ang kilay ni Diana. “Ikaw? Ay wow? Ano ka, manghuhula?” Pilisopong tanong niya. “Nag-request nga ako sa'yo ng ibang kwarto para kahit papaano ay makapagsolo ako tapos ngayon sasabihin mo na kailangan ko ng kasama?”“Why? Hindi na ba magbabago ang isip mo?” hirit pa na tanong ni Scott. Scott furrowed his brows. H
“Okay lang ba?” Kamuntik ng mahulog ang sinandok na kanin ni Scott dahil sa gulat. Nabitin sa ere ang kanyang kanang kamay habang hindi makapaniwalang tumitig kay Diana. Ramdam ni Scott ang kakaibang atmospera na bumabalot sa kanila. Pareho silang tahimik ni Diana na para bang pareho rin nila pinakiramdaman ang isa't-isa. Ganoonpaman, hindi siya naaasiwa. He somehow felt more comfortable and at ease around her. Nawala ng paunti-unti ang agam-agam niya. He could sense that she was slowly letting her guard down. “Why not?” Scott replied. Tumayo siya. Pinaghila niya ng upuan si Diana. “The more the merrier.”Hindi sumagot si Diana. Kinagat niya ang kanyang labi. Mayamaya pa ay dinampot niya ang pack lunch. Umalis siya sa higaan at nilapag sa mesa ang pagkain.“Balik ako,” ani ni Diana at dali-daling tumalikod. Pumasok siya sa loob ng banyo.Napangiti si Scott. Kinuha niya mula sa paper bag ang dalawang bottled water. Nilapag niya ang isa katabi sa pack lunch ni Diana. Naglabas na rin
Naalimpungatan na lang si Diana nang bigla siya'ng mauhaw. Kunot-noong tinakpan niya ang kanyang mata gamit ang kaliwang kamay. Sinubukan niya'ng idilat ang kanyang mga mata pero namimigat pa ang kanyang talukap. Kaya kalahating ipinikit niya ang kanyang mata habang inaaninag ang paligid.Napabuntonghininga siya. Sinipat niya ang wall clock na nasa harap. Mas lalo siyang nairita nang makitang malapit na mag alas dos ng tanghali. Pabagsak siya'ng humiga ulit sa kama. Tinakpan niya ang kanyang mata at muling bumuntonghininga.Dumaan ang ilang minuto ay biglang bumukas ang pintuan. Napalingon si Diana roon. Naalerto siya nang makitang pumasok si Scott sa kwarto.Napaupo siya sa kama. Inayos niya ang suot na white silk dress. Inayos niya ang roba na suot.“Did I wake you up?” Scott asked gently as he closed the door. “How are you feeling?”“I'm fine,” Diana replied. Sumulyap siya saglit kay Scott. “Saan ka galing?”Hindi kaagad sumagot si Scott. Sa halip ay nilapag niya sa mesa ang dala n
Pagkatapos ng nangyari kay Diana ay mas lalo siyang nahirapan matulog. Hindi niya alam kung ilang oras siya pabaling-baling sa kanyang higaan. Pinilit na nga niya'ng ipikit ang kanyang mata pero ramdam niya sa sarili na tila hindi malalim ang kanyang pagtulog. Kaunting kaluskos lang ay mapapadilat na siya ng mata.Kaya kinaumagahan ay ramdam na ni Diana ang pagbigat ng kanyang katawan. Pati ang kanyang mata ay nagsimula ng bumigay. Napapitlag pa nga siya nang biglang may kumatok sa pintuan.Sinipat ni Diana ang wall clock. Napabuntonghininga siya. Pasado alas siyete na pala ng umaga. Ang bilis kang ng oras.Parang lantay gulay na tumayo si Diana. Kunot-noong binuksan niya ang pintõ.Nagsalubong ang kilay ni Scott nang makita ang ayos ni Diana. Pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa. Are you alright?” Scott asked gently, concern was evident in his eyes.Napamulagat ng mata si Diana. Nakagat niya ang kanyang labi nang mapansin ang reaksiyon ni Scott.“A-ahm…” Lumunok siya at dahan-
Idiot!”Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Diana nang maanalisa niya kung sino ang sumaklolo sa kanya. Pamilyar sa kanya ang boses at pangangatawan nito at hindi siya pwedeng magkamali.Natutop ni Diana ang kanyang bibig nang walang habas na pinagsusuntok ni Scott ang tsinitong lalaki na bumastos sa kanya. Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan. Kitang-kita niya kung paano pinagsusuntok ni Scott ang kawawang lalaki. Putok na ang labi nito at hindi na makatayo dahil sa suntok.Binatawan ni Scott ang tsinito. Sakto naman na may nakalapit sa kanila na mga bouncer at tatlong security guard.“Hoy! Ano yan!” Sigaw ng security at biglang nag- whisle. “Hoy!”Nakahinga ng maluwag si Diana, subalit naging panandalian lamang iyon. Napatanga siya nang dinampot din ng mga security si Scott. Napaawang ang kanyang labi.“S-sir,” naisatinig ni Diana. Lumapit siya sa security. “S-sir, baka pwedeng pakawalan ni'yo na lang siya,” ani niya sa tinig ng malumamay. “Niligtas lang po ako.. n
Habang tahimik na nakatanaw sa dagat ay nahulog sa malalim na pag-iisip si Diana. Kahit hindi niya masyadong naaaninag ang mga alon dahil sa madalim na kapaligiran ay hindi iyon naging hadlang sa kanya para pagmasdan ang mga ito. Sadyang okupado lang talaga ang kanyang utak kaya hindi niya makuhang lumipat ng ibang lugar. Kontento na siya sa tuwing naririnig niya ang paghampas ng alon. Mag-aalas onse na ng gabi pero hindi pa rin umakyat si Diana. Hindi niya makuhang mapagod. Sa dami ng kanyang iniisip ay parang wala na siyang karapatan para man papahingahin ang sarili.Napabuntonghininga si Diana. Niyakap niya ang sarili habang inilibot ang paningin sa medyo payapang dalampasigan.Wala na masyadong nagliliwaliw na mga bisita sa parteng iyon. Madalas ay nasa kabilang parte ng resort nakatambay ang mga turista. Nandoon kasi ang mga fun activities. Nang manuot na sa balat ni Diana ang malamig na simoy ng hangin ay gininaw siya. Hinagod niya ang kanyang braso. Inayos niya ang suot na ja
“Ate! Bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka ni Ma'am Zaragoza uy. Galit na galit,” sabi ni Hailey, ang kasama niya sa Public Relation Department.Kumunot ang noo ni Diana. Kakapasok niya pa lang sa opisina at iyon na ang bumungad sa kanya. Medyo masakit pa ang ulo niya kaya wala siya sa mood.
Nasa backyard ang pamilyang Potterton. Maganda ang araw kaya naisip nila na mag-picnic sa likod. Habang nakaupo sa nilatag na picnic blanket ang mag-lola— nakalublob naman si Diana sa pool nila para magpalamig. Si Arthur ay namamahinga sa ilalim ng parasol. Umahon si Diana sa pool. Tumambad ang ab
“Crassus…”Kumunot ang noo ni Crassus nang makita ang hindi maipinta'ng mukha ni Scott. Pabagsak ito’ng umupo sa harap niya nang nakatiimbagang. “You have a lot of explaining to do,” Scott said coldly, trying hard to keep composure because his patience is wearing thin. “Why didn’t you tell me she'
“Iana!” sigaw ni Raine nang mabilis itong tumakbo papuntang banyo.Umagang-umaga pero panay na ang duwal ni Diana sa inidoro. Kung hindi lang nakakadiri na ipasok ang kanyang ulo roon ay kanina pa niya iyon ginawa. Sa sobrang sama ng kanyang sikmura ay pinagpawisan na siya. Ilang segundo pa lang si







