Gabi na pero hindi pa rin makuha ni Diana ang matulog. Pagod na ang katawan niya subalit ang kanyang utak ay ayaw pang mamahinga. Ang daming tumatakbo sa kanyang isip.Nakadungaw siya sa terrace ng kanyang suite. Habang hinihintay ang sarili na mapagod, tinanaw niya ang mga bituin na kumukuti-kutitap sa langit.Hindi sila umuwi ni Scott. Gaya ng sinabi nito, ito na ang sumagot sa suite niya. Pati ang dinner niya kanina ay ito rin ang umorder. Wala siyang choice kung hindi tanggapin iyon. Kahit ano'ng iwas niya, hindi naman siya makakauwi. Kung sasakay naman siya ng grab o taxi, susunod at susunod lang ito sa kanya. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napalingon siya sa loob ng kwarto. Pumasok siya at dinampot ito na nakalapag sa kanyang higaan.Napangiti si Diana nang makita ang pangalan at numero ng mommy niya sa screen. Sinagot niya ang tawag.“Hey, mom,” mahinang wika ni Diana habang nakikinig sa kanyang mommy.“Iana,” sambit ni Devara. “I'm sorry, ngayon ko lang nabasa ang cha
Read more