Nagising ang buong bansa sa isang balitang yumanig sa mundo ng negosyo at kriminalidad."Sunod-sunod na kumpanya ni Sebastian Hale ang ipinasasara ng gobyerno matapos makumpirmang sangkot sa money laundering, kidnapping, at iba pang mabibigat na krimen."Laman ito ng bawat istasyon ng telebisyon, radyo, at online news.Hindi na ito simpleng operasyon.Isa na itong pambansang iskandalo.Sa Blackwood Medical Center...Tahimik na pinapanood nina Alexander, Sophia, Monica, Isabella, Harold, Cassandra, at Elina ang live news.Katabi ni Sophia si Mia, na tahimik na nagdo-drawing habang nakikinig sa balita.Sa telebisyon, isa-isang ipinakita ang mga gusaling nilalagyan ng malaking pulang selyo.PROPERTY SEIZED BY THE GOVERNMENTNapabuntong-hininga si Monica."Finally...""Nagbabayad na sila."Tumango si Harold."Matagal ko nang hinihintay ang araw na 'to."Tahimik lamang si Alexander.Hindi siya nagdiwang.Kilalang-kilala niya si Sebastian Hale.Hindi ito ang klase ng taong basta sumusuko.S
Read more