Tahimik ang buong biyahe pabalik ng Maynila.Matapos ang nangyari sa resort, kapwa maraming iniisip sina Alexander Blackwood at Sophia Carter.Sa unang pagkakataon matapos ang kanilang unang halik, hindi nila alam kung paano haharapin ang isa't isa.Hindi dahil nagsisisi sila.Kundi dahil masyado nang naging totoo ang lahat.At para kay Alexander, yon ang ikinatakot niya. Ang mawalan muli ng minamahal. Takot siyang umibig muli at masaktan.---Habang nasa pribadong jet, tahimik na nakatanaw si Sophia sa ulap sa labas ng bintana.Paminsan-minsan ay nahuhuli niyang nakatingin si Alexander sa kanya.Ngunit agad din itong umiiwas.Parang may gustong sabihin.Parang may gustong aminin.Pero tila may pumipigil dito.Napabuntong-hininga si Sophia.Alam niyang may bumabagabag sa isip ng lalaki.At pakiramdam niya, hindi lamang tungkol iyon sa lihim ng kanilang mga pamilya.---Pagdating sa Maynila, agad silang sinalubong ng mga responsibilidad.Meetings.Business reports.Media concerns.At
Read more