"Hindi ko na kaya dito, Luther! Para na akong ginagago ng kung sinong demonyo sa mansyong 'to!" halos pumutok ang litid sa leeg ni Maja habang binabato ang huling pares ng sapatos niya sa loob ng maleta. Pati ang paghinga niya ay nanginginig sa galit at inis. Isang linggo lang siyang tumira rito pero parang sampung taon siyang tumanda sa sobrang stress. Una, iyong mga palakang nagkalat sa ibabaw ng kama niya na akala mo'y may handaan sa dilim. Pangalawa, iyong mga butiking nandidikit sa puting tuwalya niya pagkatapos magbabad sa pool na para bang sinadya para lang diriin siya. At ngayon, ngayong umaga lang, pagbukas niya ng box na hawak ni Harmie, parang nag-rally ang libu-libong ipis na sumalubong sa reyna. Alam niyang walang ibang may pakana nito kundi ang malignong si Harmie, pero walang naniniwala sa kanya kahit kailan. Si Luther naman, nakaupo lang sa wheelchair sa gilid ng kama, blangko ang mukha at halatang pagod na sa kadaldalan ng kasintahan. Kitang-kita ang lalim ng mga mat
Magbasa pa