Nakita ni Luther na magkasama sina Harmie at Lander na tila galing sa pamamasyal. May mga binili din si Lander na hindi niya mawari maging kay Harmie. Lihim na napabuntonhininga si Luther, matigas talaga ang ulo ni Lander. Binalaan na niya ito subalit tila mas lalo lamang nitong inaakit amang inosenteng si Harmie. "Senyorito, salamat po sa libre niyong mga pabango at sa libreng kain saka meryenda." Sabi ni Harmie nang makarating na sila sa loob ng Mansyon. Mahina namang tumawa si Lander. "Basta ikakasaya mo, lahat gagawin ko. And here, this is all yours!" Sagot ng binata sabay abot sa mga hawak niyang paper bag kay Harmie. Napanganga naman si Harmie. "Senyorito! Hindi ba sa girlfriend mo ang mga 'yan? Bakit ngayon ibinibigay mo na sa akin?" Bulalas ng dalaga. Muling tumawa si Lander. "As of now, I have no girlfriend. Hindi ako mangungumpisal sa'yo kung may girlfriend ako," anito. Unti-unting nanulis ang nguso ni Harmie na tumingin kay Lander. "Sinusuhulan mo ba ako, Senyorito?"
Magbasa pa