Abala ang mga tao sa Mansyon dahil parating ang panganay na anak nina Don Klint at Donya Hillary na si Luther. Doon kasi ito magpagaling mula sa pagkaka-aksidente nito. Iyon din ang advice ng Doktor para sa agaran nitong paggaling."Harmie, halika!" Tawag ni Mona sa anak nito.Doon na lumaki sa Mansyon si Harmie palagi itong kasa-kasama nina Mona at Zandro. Bukod doon ay scholar pa ito ng pamilyang Verdadero hanggang sa matapos nito ang kanyang pag-aaral. Pero hindi sa publikong paaralan nag- aral si Harmie kung hindi doon sa school kung saan puwede ang mga may special needs na mag- aaral. Lalo na noong nagkasakit ang dalaga na naging sanhi ng mabagal nitong pagkakaintindi minsan sa mga bagay-bagay. Ganoon pa man ay nagpapasalamat pa din sila sa Diyos at lumaki ang kanilang miracle baby na mabait at masunurin."Ano 'yon Inay?" nakangiting tanong ni Harmie paglapit nito sa Ina."Gusto ni Donya Hillary ikaw ang personal na katulong ni Senyorito Luther pagdating nito. Huwag kang magpapas
Last Updated : 2026-06-12 Read more