Napasinghap si Romy sa narinig. Nadinig kasi ni Rodolfo ang bahagyang pagmura ni romy dahil sa sakit mg ngipin niya.“P-Pasensya na po, Boss! “Ano raw ’yon? Akala mo ba bingi ako?” hindi pa rin matanggap ni Rodolfo ang sinabi ni Romy. Habang pinipigil ang kirot ng kanyang ngipin, muling nagpaliwanag ang lalaki.“Ganito po kasi, Boss. Sumumpong na naman ang sakit ng ngipin ko. Kapag nagsasalita ako, lalo itong kumikirot. Pasensya na po!” sagot ni Romy.Sa wakas, naintindihan din siya ni Rodolfo.“Ahhh, ganoon ba? Sige, ayos lang. Sa susunod, huwag ka kasing laging tumingin sa matatamis na babae! Siguro, sumumpong na naman ang ngipin mo dahil lagi mong tinitingnan si Juliet? Aminin mo na! Akala mo hindi ko alam!” panunukso ni Rodolfo.Bahagyang lumayo si Romy upang hindi marinig ng kanyang asawa ang kanilang usapan. Sa kabilang panig, mahimbing pa ring natutulog si Wiwik sa tabi niya.“Shhh! Huwag n’yo namang sabihin ’yan, Boss. Baka marinig ni misis Wiwik. Baka tuluyan akong maputul
Leer más