“Siyempre naman, Mr. Allan! Tiyak na dadalo ako kasama ang aking asawa!” sagot ni Rodolfo.Sa pagkakataong iyon, bahagyang ngumisi si Allan. Sa unang pagkakataon, nagtagumpay siyang malinlang si Rodolfo.Ang naging pagpupulong nila ay nag-iwan ng magandang impresyon kay Rodolfo. Sa kaniyang paningin, mabuting tao si Allan. Handa pa itong makipagtulungan sa kaniya sa negosyo.Ngunit iba ang nakikita ni Romy. Hindi niya maramdaman ang sinseridad ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya mapalagay sa matatamis na salitang binitiwan ni Allan sa kaniyang amo.Pagkatapos ng pagpupulong, muli niyang pinaalalahanan si Rodolfo na mag-ingat sa bagong kakilala.“Sa tingin ko, mabuting tao naman si Mr. Allan. Sigurado ka bang hindi ka lang nagkakamali ng hinala, Romy?” tanong ni Rodolfo habang nakasandal sa kaniyang malaking upuan sa opisina.“Sa panlabas, mukha nga po siyang mabait. Pero para sa akin, may kung anong katusuhan sa kaniya. Pasensiya na po, Boss. Hindi ko naman intensiy
Magbasa pa