Se connecter“Babayaran kita ng dalawampung milyon, anakan mo lang ang asawa ko.” Para maitaguyod ang tatlo niyang anak, tinanggap ni Joshua—isang biyudong taga-probinsya, ang alok ni Rafael kahit labag ito sa kanyang kalooban. Akala niya, simpleng trabaho lang ang papasukin niya. Pero hindi niya alam na sa pagpasok niya sa marangyang tahanan ni Rafael, makikilala niya si Scarlette—ang babaeng babago sa takbo ng buhay niya. Sa mata ng iba, nasa kay Scarlett na ang lahat—may mayamang asawa, magandang buhay, at marangyang tahanan. Pero sa likod ng lahat ng iyon, isa siyang babaeng matagal nang nagdurusa sa malamig na pagsasama nila ni Rafael, isang negosyanteng desperado nang magkaroon ng anak. Magbabago ang lahat nang unti-unting mapalapit si Scarlett kay Joshua—sa lalaking akala nila ay isa lamang ordinaryong kasambahay. Habang lumalalim ang kanilang nararamdaman, mabubunyag naman ang pagtataksil ni Rafael. Guguho ang pamilyang pilit nilang binuo, at mas lalong gugulo ang lahat nang lumabas ang isang malaking lihim. Dahil si Joshua… ay hindi pala ang taong inaakala ng lahat.
Voir plus“Kulang pa ba ang dalawampung milyon para anakan mo ang asawa ko?”
Mariing tanong ni Rafael habang nakatitig kay Joshua. Malamig ang boses niya, pero kontrolado. Para bang matagal na niyang pinag-isipan ang bawat salitang binibitawan niya. Tahimik ang buong mansyon. Sa malawak na sala, tanging mahinang ugong lang ng aircon ang maririnig. Maganda at marangya ang paligid, pero mabigat pa rin ang pakiramdam sa pagitan nilang tatlo. Napalunok si Joshua. Pakiramdam niya, mali ang narinig niya. O baka naman siya ang nagkamali ng pasok sa silid na ito. Isa lang siyang kasambahay sa bahay ng mga Villaluz. Sanay siya sa simpleng utos, sa paglilinis, sa pag-aayos ng gamit, at sa pagdadala ng tray. Hindi sa ganitong klase ng usapan. Tatlumpu’t limang taong gulang na siya. Marami na siyang pinagdaanan sa buhay. Namatayan siya ng asawa. Mag-isa niyang binuhay ang tatlo niyang anak. Tinanggap niya ang kahit anong trabaho sa probinsya hanggang sa mapadpad siya sa lungsod. Pero kahit isa sa mga pinagdaanan niya, hindi siya naihanda para sa sandaling ito. “Sir…” mahinang sambit niya. Bahagyang nanginig ang boses niya. “Pasensya na po, pero parang hindi ko po maintindihan ang ibig ninyong sabihin.” Huminga nang malalim si Rafael. Tumayo siya mula sa leather sofa at lumapit sa malaking bintanang tanaw ang garden. Ilang segundo siyang nanatiling nakatalikod, na parang tinitimbang pa ang mga susunod niyang sasabihin. Pagkatapos, dahan-dahan siyang humarap kay Joshua. “Isa lang ang kailangan mong gawin.” Nanigas si Joshua. “Bigyan mo ng anak ang asawa ko.” Parang may humigpit sa dibdib ni Joshua. Nanlaki ang kanyang mga mata. Napaatras siya nang kaunti habang hindi makapaniwala sa narinig. Sa kabilang bahagi ng sala, yumuko si Scarlett. Pinikit niya ang mga mata, na para bang gusto niyang takasan ang sitwasyong iyon. “Sir…” halos pabulong na sabi ni Joshua. Hindi niya alam kung matatakot ba siya, magagalit, o matatawa sa sobrang gulat. Pilit inaabot ng isip niya ang kahulugan ng sinabi ni Rafael, pero paulit-ulit lang itong bumabalik sa isang bagay na para sa kanya ay imposibleng mangyari. “Alam kong mahirap paniwalaan,” sabi ni Rafael. Mas kalmado na ang boses niya ngayon. “Pero wala na kaming ibang pagpipilian.” Lumapit siya sa coffee table at inilapag ang isang itim na maleta. Nang buksan niya iyon, napasinghap si Joshua nang makita ang pera. Makakapal na bundle ng pera ang laman ng maleta. Maayos na nakaayos, parang eksena sa pelikula. Hindi inakala ni Joshua na makakakita siya ng ganoong kalaking halaga sa totoong buhay. “Hindi…” bulong niya. “Hindi po totoo ’to.” “Paunang bayad pa lang iyan,” sabi ni Rafael. Hindi makagalaw si Joshua. Para bang nakadikit ang mga paa niya sa makinang na sahig. “Kapag nabuntis mo si Scarlette,” pagpapatuloy ni Rafael, “dadagdagan ko pa ‘yan. Hanggang sa umabot ng isang daang milyon.” “I-Isang… daang milyon?” gulat na ulit ni Joshua. Tumango si Rafael. “Sapat na iyon para mabigyan mo ng magandang buhay ang mga anak mo.” Doon kumirot ang dibdib ni Joshua. Biglang pumasok sa isip niya ang tatlo niyang mga anak. Si Jessa, na gustong-gustong mag-college pero hindi niya alam kung saan sila kukuha ng pangmatrikula. Si Marco, na ilang buwan nang humihiling ng bisikleta pero lagi niyang pinapangakuan na “sa susunod na lang.” At si Mia, ang bunso niya, na madalas magkasakit pero pinipilit niyang alagaan sa bahay dahil kahit check-up lang ay mabigat na sa bulsa. Napapikit siya nang mariin. “Sir…” muli niyang sabi. Mas mabigat na ang tinig niya ngayon. “Hindi po ba mali ito?” Tumingin siya kay Scarlett, saka ibinalik ang tingin kay Rafael. “Asawa n’yo po si Ma’am Scarlett. Paano n’yo po matitiis na may ibang lalaking papasok sa ganitong usapan?” “Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba,” mariing putol ni Rafael. Natahimik si Joshua. “Ang mahalaga, magkaroon kami ng anak.” Mas yumuko si Scarlett. Nanginginig ang mga kamay niya sa kandungan. Kitang-kita ni Joshua na nahihirapan din siya. Hindi siya mukhang pumayag dahil gusto niya. Mukha siyang babaeng matagal nang napagod at wala nang makapitan. Napabuntong-hininga si Rafael. “Bago pa man ang aksidente dalawang taon na ang nakalipas, sinubukan na namin ang lahat,” sabi niya. Umupo siyang muli, pero ngayon ay parang mas mabigat na ang kilos niya. “Ilang beses kaming nag-IVF. Ilang beses kaming umasa. Ilang beses din kaming nabigo.” Napapikit si Scarlett. Alam niya ang sakit ng bawat pag-asa na nauuwi sa wala. Ang bawat negatibong resulta. Ang bawat gabing tahimik siyang umiiyak habang pinipilit niyang maging matatag. “At nang maaksidente ako…” Huminto si Rafael sandali, na parang may bumara sa lalamunan niya. “Hindi na ako maaaring magkaanak.” Lalong tumahimik ang sala. Napatingin si Joshua sa kanya. “Kung wala kaming tagapagmana,” dagdag ni Rafael, “mawawala sa amin ang lahat.” Napakunot-noo si Joshua. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” “Alam mo kung anong klaseng pamilya ang pinanggalingan ni Scarlette.” Tumango si Joshua. Hindi man niya alam ang lahat, alam niyang galing si Scarlett sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa bansa. “Ang kumpanyang pinapatakbo ko,” sabi ni Rafael, “pag-aari ng pamilya niya. At kung wala kaming anak, may mga taong naghihintay lang na maagaw iyon sa amin.” “Mahal, hindi ba’t masyado na ‘to?” mahinang sambit ni Scarlette. Agad siyang nilingon ni Rafael. Hinawakan niya ang kamay nito. “Scarlett, mahal kita,” sabi niya. Nangingilid ang luha ni Scarlett. “Mahal din kita.” “Kung ganoon,” mahina ngunit mariing sabi ni Rafael, “tulungan mo ako.” Napapikit si Scarlette. Matagal siyang hindi sumagot. Para bang bawat segundo ay pakikipaglaban sa sarili niyang konsensya. Pagkatapos, dahan-dahan siyang tumango. “Sige.” Parang may bumagsak na mabigat sa loob ng silid. Tumango si Rafael, na para bang nabunutan siya ng tinik. “Salamat.” Niyakap niya si Scarlett nang mahigpit. Ngunit nang tumingin si Scarlette kay Joshua, hindi naitago ang takot at pagdududa sa kanyang mga mata. “Pero huwag mong aasahang magiging madali ito para sa akin,” malamig niyang sabi. Napayuko si Joshua. Ramdam niyang lalo siyang lumiit sa kinatatayuan niya. “Alam ko po, Ma’am,” mahinang sagot niya. “Hindi rin po madali para sa akin.” Tahimik silang tatlo nang ilang sandali hanggang sa muling nagsalita si Rafael. “Hindi masamang tao si Joshua,” sabi niya. Napatingin si Scarlett sa asawa niya. “Kung hindi dahil sa kanya, baka matagal na akong patay.” Nagulat si Scarlett. “Tatlumpung buwan na ang nakalipas, inatake ako sa labas ng bahay,” paliwanag ni Rafael. “Siya ang unang nakakita sa akin. Siya ang tumawag ng tulong. Siya ang dahilan kung bakit naagapan ako.” Tahimik si Joshua. Hindi niya alam kung paano tutugon. “At isa pa…” bahagyang ngumiti si Rafael. “May tatlo na siyang anak.” Napailing si Scarlett. “Rafael…” “Ibig sabihin, may tiwala na ako sa kanya,” dagdag ni Rafael, pilit pinapagaan ang sitwasyon. Napapikit si Joshua sa hiya. “Sir naman…” Bahagyang natawa si Rafael. Kahit sandali, lumuwag ang mabigat na tensyon sa sala. Pero agad ding bumalik ang seryosong ekspresyon niya. “Huling tanong, Joshua,” sabi ni Rafael. “Pumapayag ka ba?” Natahimik si Joshua. Napakuyom siya ng kamao. Pumasok sa isip niya ang bahay nilang tumutulo ang bubong kapag umuulan. Ang mga utang niyang patong-patong. Ang mga anak niyang umaasa sa kanya. Ang pangarap ni Jessa. Ang simpleng hiling ni Marco. Ang gamot ni Mia. Mariin siyang huminga. Mali ito. Alam niyang mali. Pero sa harap ng halagang kayang magbago ng buhay ng mga anak niya, nanghina ang paninindigan niya. “Sige po, Sir,” mahina niyang sabi. Ngumiti si Rafael. “Magaling.” “Pero…” biglang sabi ni Joshua. “Ano iyon?” Nag-alangan si Joshua. Nagkamot siya ng batok, halatang nahihiya. “Ano po ba ang eksaktong kailangan kong gawin?” Sandaling natahimik ang silid. Pagkatapos, napatawa si Rafael. “Naku, Joshua.” Maging si Scarlett ay hindi napigilang mapatingin sa kanya. Sa kabila ng bigat ng sitwasyon, bahagyang gumalaw ang labi niya na parang pinipigilan ang ngiti. “Tatlumpu’t lima ka na,” sabi ni Rafael, “at tatlo na ang anak mo.” Lalong namula si Joshua. “Ang ibig ko po sabihin, Sir… paano po ang magiging usapan? May kontrata po ba? May kondisyon? May hangganan?” Nawala ang ngiti ni Rafael. Bumalik ang seryosong tingin niya kay Joshua. “May kontrata. May mga kundisyon. At higit sa lahat, walang ibang dapat makaalam.” Tumigil siya sandali bago nagpatuloy. “Walang ibang makakaalam nito. Hindi ang mga tauhan sa bahay. Hindi ang pamilya ni Scarlette. Hindi kahit sino.” Tumingin si Rafael kay Joshua nang diretso. “Kapag nabuntis si Scarlett, aalis ka sa buhay namin. Makukuha mo ang pera mo, at wala ka nang magiging koneksyon sa batang isisilang niya.” Napatingin si Joshua kay Scarlett. Tahimik ito, pero kita sa mga mata niya ang sakit. Para kay Rafael, malinaw ang plano. Para kay Joshua, pera ito para sa kinabukasan ng mga anak niya. Pero para kay Scarlett, parang isa na naman itong desisyong kailangan niyang tiisin para sa pamilyang pilit niyang pinoprotektahan. Muling bumigat ang hangin. At habang nakatayo si Joshua sa gitna ng marangyang sala, hawak ang desisyong alam niyang babago sa buhay nilang lahat, isang bagay ang malinaw sa kanya. Hindi na magiging simple ang buhay niya mula sa gabing iyon. Dahil ang kasunduang pinasok niya para sa kanyang mga anak ay magiging simula ng isang lihim na sisira sa lahat ng hangganan.Matapos marinig ang sinabi ni Scarlett, bahagyang binilisan ni Joshua ang kanyang kilos. Hindi niya ito minadali dahil ayaw niyang mahirapan si Scarlett.“Ganito ba ang gusto ninyo, Ma’am? O mas mabilis pa?” tanong ni Joshua.“Okay na iyan, pero parang mas maganda kung medyo mas mabilis,” sagot ni Scarlett.“Sige po,” tugon ni Joshua.Habang tumatagal, lalo lamang nararamdaman ni Scarlett ang kakaibang emosyon at tensyon sa pagitan nila.“Joshua, siguradong ayos lang ito?” tanong niya.“Huwag kayong mag-alala, Ma’am,” sagot nito.Hindi na halos makapagsalita si Scarlett dahil sa dami ng emosyon na kanyang nararamdaman.“Joshua... parang hindi ko na kaya...” sabi niya habang hinihingal.“Mag-relax lang po kayo,” pagpapakalma ni Joshua.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ni Scarlett ang matinding bugso ng emosyon. Mahigpit siyang kumapit kay Joshua habang pilit pinapakalma ang sarili.Ngumiti si Joshua nang makitang mas komportable na ang kanyang amo.Pansamantala niyang pinabagal
Napabuka ang bibig ni Scarlett at lalo pang lumaki ang kanyang mga mata.Paano ba naman, tuluyan nang nahulog sa sahig ang damit na suot niya.Lalo siyang kinabahan at nahirapang lumunok habang si Joshua ay patuloy na sinusubukang pakalmahin siya.“Joshua, kailangan ba talagang ganito muna?” nanginginig niyang tanong.“Ganito talaga, Ma’am. Para hindi kayo mabigla at maging komportable kayo,” sagot ni Joshua.Napansin ni Scarlett na iba ang paraan ng pakikitungo nito kumpara sa kanyang asawa. Maingat ito at hindi nagmamadali.“Joshua... tama na,” mahina niyang sabi habang pilit pinapakalma ang sarili.“Hindi ba ninyo gusto?” tanong ni Joshua.“Hindi sa ganoon. Nahihiya lang ako,” sagot niya habang namumula ang mukha.Lumapit si Joshua at muli siyang kinausap nang mahinahon.“Wala kayong dapat ikahiya, Ma’am.”Napayuko si Scarlett.Matagal na niyang dinadala ang mga inseguridad tungkol sa kanyang sarili dahil sa mga komentong minsang narinig niya mula sa kanyang asawa.“Ayaw kong husga
“Ha? Puwede ring mag-request?” tanong ni Scarlett habang dahan-dahang umaatras kasabay ng paglapit ni Joshua.“Siyempre naman, Ma’am. Simulan na natin para umabot tayo bago mag-alas nuwebe,” sagot ni Joshua nang may kumpiyansa.Lalong kinabahan si Scarlett at hindi niya alam kung paano magsisimula.“Saan ba tayo magsisimula? Nalilito pa rin ako,” sabi niya habang napapatingin sa matipunong katawan ni Joshua. Sa totoo lang, ngayon lang siya nakakita nang ganoong katawan ng lalaki.“Hindi ba’t matagal na kayong mag-asawa ni Sir Rafael? Bakit parang ako pa ang tinatanong ninyo?” biro ni Joshua habang hinahawakan at inaamoy ang mahaba at mabangong buhok ni Scarlett.Agad namang itinaboy ni Scarlett ang kamay nito.“Huwag mo akong hawakan!” mataray niyang sabi.“Buhok pa lang naman po ang hinawakan ko,” natatawang sagot ni Joshua.Lalong nainis si Scarlett sa mga biro nito.“Tumigil ka nga! Hindi ko gusto na hinahawakan mo ang buhok ko!”Muli lamang tumawa si Joshua.“Kung hindi ko kayo pu
Hindi namalayan ni Scarlett na nakasandal na pala siya sa dibdib ni Joshua. Mukhang komportable siya, na para bang nakalimutan niyang kasama niya lamang ang isang kasambahay.Dahan-dahang hinaplos ni Joshua ang braso ng babae upang pakalmahin ito. Alam niyang pareho sila ng sitwasyon—napipilitang gawin ang bagay na ito para sa isang bagay na labis nilang pinahahalagahan.Nang mapagtanto ni Scarlett na nasa yakap siya ng Kasambahay, agad niyang itinaas ang ulo at bahagyang lumayo kay Joshua.“Pa-paumanhin, hindi ko sinasadya kanina...!”“Ayos lang po, Ma’am. Paano kung uminom muna tayo? Pagkatapos, saka tayo magsimula. Kaunti lang ang oras natin. Sabi ni Sir Rafael, dalawang oras lang, hindi hihigit doon,” putol ni Joshua habang nagsasalin ng beer sa isang baso.“Pasensya na, hindi ako umiinom ng beer,” tanggi ni Scarlett.“Kahit kaunti lang po, Ma’am. Hindi naman ito kasing sama ng iniisip ninyo. Ako rin, hindi ko gusto kapag sobra. Dalawang baso lang para uminit ang katawan. Pero kun






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.