Kabanata 144 Litong-lito si Clint. Buong biyahe, wala ni isa sa kanilang nagsalita. Muli na namang hindi nakatulog nang maayos si Jam nang gabing iyon. Kinabukasan, nang sunduin siya ni Jing papasok sa trabaho, halata ang pag-aalala nito. Samantala, naghanda si Thea ng isang tasa ng mainit na tea para sa kaniya. Ilang higop lang ang ginawa ni Jam bago niya ito isinantabi. Wala talaga siyang ganang kumain nitong mga nakaraang araw. Kahit pagkain o pag-inom ay hirap na hirap siya. Napansin niyang nakatitig si Thea sa kaniya. "Ano'ng meron?" Parang natauhan ang dalaga. "Wala po, Miss Jam. Napansin ko lang na halos wala na kayong kain nitong mga nakaraan. Tanghali po, order tayo ng sweet and sour para baka mas magkaroon kayo ng appetite." Bahagyang tumango si Jam. "Okay." Pagkababa nila ng sasakyan, sinalubong sila ng direktor ng isang foundation na nangangalaga sa mga batang may kapansanan. Bilang observer, ilang oras ding nanatili si Jam sa loob ng pasilidad. Halos lahat ng
Read more